23/11/2023
TINGNAN | Angking husay, talento, at kagandahan, ipinamalas ng mga kalahok mula sa College of Arts and Sciences (CAS)
Ipinagmalaki ng mga mag-aaral mula sa CAS Department ang kanilang tatas at karikitan sa isinagawang patimpalak na Ginoo at Binibining Agham at Sining 2023 na kasalukuyang ginaganap sa City of Malabon University (CMU) campus ngayong Huwebes, Nobyembre 23.
Binigyang-diin ang entablado nang may kumpiyansa, talento, at kagandahan, ang mga kalahok ng Ginoo at Binibining Agham at Sining 2023 mula sa iba't ibang kurso sa ilalim ng College of Arts and Sciences ay nagpatingkad sa unang araw ng linggo. Ang mga kursong lumahok sa nasabing patimpalak ay nagmula sa Bachelor of Arts in Journalism (BAJ), Bachelor of Arts in Public Administration (BAPA), Bachelor of Arts in Political Science (BAPS), at Bachelor of Science in Social Work (BSSW).
Ang mga pitong Binibining kandidata ay ang mga sumusunod: Patricia Tatel (BAJ-2A), Jashmine Joy Espino (BAPA-1A), Rio Desiree Agapito (BAPA-2A), Daniella Bade (BAPS-1A), Daphne Dela Pena (BAPS-1A), Melissa Gazeta (BAPS-1A), at Unice Javawon (BSSW-2B).
Ang pitong Ginoong kalahok naman ay ang mga sumusunod: Sean Eduard Suarez (BAPA-4A), Arwan Velasquez (BAPA-1A), Frank Karlo Garcesa (BAPS-2B), Richmond Rei Rosales (BAPS-1A), Raphael Benedict Daguio (BAJ-1A), Theodore James Javillo (BAJ-1A), at Daryl Panis (BSSW-2B).
Ang mga huradero naman ay sina Prof. Arsenio Waldo Bulatao; Gen Ed/ Patfit Program Head; Prof. Primo Siatan, CAS FACULTY/ Patfit Faculty; at Ms. Jocelyn Ignacio, CAS Faculty Academic Secretary.
Ang nasabing patimpalak ay nahahati sa anim na bahagi: candidate screening; sports wear; talent portion; swim wear; formal wear; at ang question and answer portion.
Ang pag-anunsyo ng koronasyon ng mga tatanghaling CAS Ginoo at Binibining Sining at Agham ay sa ika-25 ng Nobyembre, alas-singko hanggang alas-siyete ng gabi.
Para sa iba pang balita bisitahin lamang ang aming page, X account, at Website, The Pulse.
via Ryan Jhonsen Rotugal | The Current