02/10/2025
Kwento lang.
Ang dami-dami ng nangyayari sa mundo. Lindol, baha, pagputok ng bulkan, problema sa gobyerno, minsan di na natin alam kung ano pa ang gagawin. Dagdag pa yung mga personal na problema sa sari-sarili nating tahanan. Nakakapag-alala ng malala.
Pero naalala ko para san nga ba ang lahat ng ito? Lahat naman lilipas. Ang pinakamahalaga ay kung paano natin isinapamuhay ang ating buhay. Pinakamahalaga pa rin ang buhay beyond this life.
Matthew 16:26 (KJV):
"For what is a man profited, if he shall gain the whole world, and lose his own soul? or what shall a man give in exchange for his soul?"
Tagal kong hinanap sa iba, sa material things at sa tao ang kapayapaan ng kalooban at ang kasiguraduhan. Pero wala, walang sigurado.
Isa lang ang narealize ko. Kay God, kay Jesus lang may kasiguraduhan. Magulo man ang paligid pero sya lang ang makakapagpuno ng lahat ng kawalan na pilit nating hinahanap.