
19/05/2025
Ito dapat ang local na sinusuportahan. Hindi yung 1900 scrunchie per piece overpriced masyado🙄
When we say “support local,” this is what it should mean. Nanay Liza makes these scrunchies by hand. Isa-isa. Walang makina. Hindi hype. Hindi overpriced. Hindi repackaged na mura pero presyong sosyal.
May mga scrunchies ngayon na mataas ang presyo kahit hindi na sila mismo ang gumagawa. Si Nanay Liza naman, sa sahig nagtatahi gamit ang sariling kamay. Walang team. Walang gimik. Pero bawat tahi, may effort at puso.
She doesn’t sell to get rich. She sells to live.
Supporting local means choosing real work over trends. Effort over branding. Kung bibili ka na rin lang, piliin mo na ang tunay na gumagawa.