The Cavite Rising

The Cavite Rising Fair and reliable journalism for every Caviteño.

Tumanggi si Acting Davao City Mayor Baste Duterte na makipagharap kay PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III sa darating na ...
26/07/2025

Tumanggi si Acting Davao City Mayor Baste Duterte na makipagharap kay PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III sa darating na Linggo, Hulyo 28, dahil sa naka-iskedyul niyang family day. Gayunman, iginiit niyang papayag siya sa hamon kung ililipat ito sa ibang araw at kung susunod si Torre sa kanyang kondisyon.

Matatandaang una nang nanawagan si Duterte kay Torre na hikayatin si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ipasailalim sa drug test ang lahat ng halal na opisyal sa ilalim ng kanyang administrasyon, kabilang na ang Pangulo.


Para masulit ang bawat patak ng iyong ga*olina, naririto ang ilang tips para kung paano makakatipid ng ga*olina. ⛽️Sundi...
26/07/2025

Para masulit ang bawat patak ng iyong ga*olina, naririto ang ilang tips para kung paano makakatipid ng ga*olina. ⛽️

Sundin ang mga tips na ito para sa mas tipid at mas maayos na biyahe.👌


Idineklara ng Thailand ang martial law sa walong distrito na nasa hangganan ng Cambodia nitong Biyernes, Hulyo 25, matap...
26/07/2025

Idineklara ng Thailand ang martial law sa walong distrito na nasa hangganan ng Cambodia nitong Biyernes, Hulyo 25, matapos ang ikalawang araw ng madugong sagupaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Apichart Sapprasert ng Border Defense Command, sakop ng deklarasyon ang pitong distrito sa Chanthaburi at isang distrito sa Trat.

Nagbabala naman si Acting Prime Minister Phumtham Wechayachai na ang tensyon ay maaaring humantong sa digmaan. Iniulat ng lalawigan ng Oddar Meanchey sa Cambodia ang pagkamatay ng isang 70-anyos na lalaki at pagkasugat ng lima pang sibilyan dahil sa mga putok ng artillery.

News and Photo Source: GMA News Online


MAYOR ARMIE AGUINALDO, NAGPASALAMAT SA TULONG PARA SA MGA NASALANTA SA KAWITNagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Kawi...
26/07/2025

MAYOR ARMIE AGUINALDO, NAGPASALAMAT SA TULONG PARA SA MGA NASALANTA SA KAWIT

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Kawit Mayor Armie Aguinaldo kina Cong. Jolo Revilla at Governor Abeng Remulla para sa karagdagang suplay ng bigas na ipamamahagi sa mga evacuees at residenteng naapektuhan ng matinding pagbaha sa bayan.

Pinuri rin ni Mayor Aguinaldo ang CAVITEX Infrastructure Corp. sa kanilang donasyong relief packs para sa mga nasalanta. Aniya, patuloy ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, probinsya, at pribadong sektor upang matiyak ang mabilis na pagbangon ng komunidad, tulad ng isang pamilyang nagdadamayan sa oras ng sakuna.

📷: Mayor Armie Aguinaldo


Arestado ang tatlong Chinese nationals na sangkot umano sa ilegal na droga at human trafficking sa isinagawang operasyon...
26/07/2025

Arestado ang tatlong Chinese nationals na sangkot umano sa ilegal na droga at human trafficking sa isinagawang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa General Trias, Cavite.

Nahuli ang mga suspek habang may dalang hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Lumabas din sa imbestigasyon na sila ay mga overstaying alien at walang maipakitang wastong dokumento mula sa Immigration.

Nadiskubre rin na may dalawang active derogatory records ang isa sa mga suspek kaugnay ng isang ka*o sa Immigration dahil sa labis na pananatili sa bansa.

Ikinasa na ang paglipat ng dalawa sa BI detention facility, habang ang isa ay mananatili sa kustodiya ng PDEA upang harapin ang ka*ong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Source: Manila Standard


BE KIND TO ANIMALS 🐶🥺Umani ng samu’t saring reaksyon sa social media ang isang convenience store sa Cavite City matapos ...
25/07/2025

BE KIND TO ANIMALS 🐶🥺

Umani ng samu’t saring reaksyon sa social media ang isang convenience store sa Cavite City matapos nitong payagang makasilong ang isang a*ong gala sa gitna ng ulan at baha noong Hulyo 22.

Sa Facebook post ni Nancy Custodio, isang animal advocate mula Brgy. 38M, makikita ang aspin na tahimik na nakaupo sa loob ng tindahan kahit may karatulang "No Pet Allowed." Kuwento ni Nancy, hinayaan ng mga staff ng Dali convenience store ang a*o na manatili sa loob para hindi ito mabasa at magkasakit.

Maraming netizen ang nagpahayag ng papuri sa ginawa ng staff, habang may ilan ding nagpaalala sa hygiene protocol.

📷: Nancy Custodio


JOLO REVILLA, NAGHATID NG TULONG SA MGA BINAHA SA ROSARIO, CAVITENaghatid ng agarang tulong si Cavite 1st District Repre...
25/07/2025

JOLO REVILLA, NAGHATID NG TULONG SA MGA BINAHA SA ROSARIO, CAVITE

Naghatid ng agarang tulong si Cavite 1st District Representative Jolo Revilla sa mga residente ng Rosario, Cavite na labis na naapektuhan ng walang patid na pag-ulan, matinding pagbaha, at sabayang high tide.

Personal na pinangunahan ni Revilla ang pamamahagi ng 5,000 packs ng bigas bilang bahagi ng inilunsad na relief operations sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Rosario sa pangunguna nina Mayor Voltaire Ricafrente at Vice Mayor Bamm Gonzales.

Tiniyak ng kongresista ang patuloy na koordinasyon upang mapabilis ang paghahatid ng tulong at serbisyo para sa agarang pagbangon ng kanyang mga kababayan.

📷: Cong. Jolo Revilla


TINGNAN: Bumigay ang tulay sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite matapos na dumaan ang mabigat na truck ngayon...
25/07/2025

TINGNAN: Bumigay ang tulay sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite matapos na dumaan ang mabigat na truck ngayong araw ika-25 ng Hulyo.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapagawa sila ng daanang pang-tao na pansamantalang madadaanan ng mga apektadong residente ng Pag-asa 1 at 2 at Southville Phase 3 na inaashang matatapos ng ilang araw.

Source: Mayor Gemma Buendia Lubigan / Facebook


TINGNAN: Iniahon ng mga rescuer ang bangkay ng isang construction worker na natabunan sa landslide na dulot ng habagat a...
25/07/2025

TINGNAN: Iniahon ng mga rescuer ang bangkay ng isang construction worker na natabunan sa landslide na dulot ng habagat at sunod-sunod na bagyo, sa isinagawang search-and-rescue operation sa Barangay Cabangaan, Silang, Cavite, ngayong Biyernes, Hulyo 25, 2025.

Naganap ang landslide dakong alas-10:00 ng umaga noong Huwebes, Hulyo 24, ayon sa Silang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Isa ang kumpirmadong nasawi, isa ang nakaligtas, na-recover na ang isang katawan, habang isa pa ang patuloy na pinaghahanap.

Source: Abante News Online / Facebook


PNP CHIEF TORRE, NAG-JOGGINGNG 10 ROUNDS BILANG PAGHAHANDA SA CHARITY BOXING MATCHNag-jogging sa ulanan ng 10 ikot si PN...
25/07/2025

PNP CHIEF TORRE, NAG-JOGGINGNG 10 ROUNDS BILANG PAGHAHANDA SA CHARITY BOXING MATCH

Nag-jogging sa ulanan ng 10 ikot si PNP Chief Nicolas Torre III sa oval ng Kampo Crame ngayong Biyernes ng umaga, Hulyo 25, habang bumubuhos ang ulan.

Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, bahagi ito ng kanyang paghahanda para sa charity boxing match na gaganapin sa Linggo.

📷: PNP


TINGNAN: Agad na rumesponde ang Tagaytay City Fire Station kasama ang Philippine National Police at Philippine Coast Gua...
25/07/2025

TINGNAN: Agad na rumesponde ang Tagaytay City Fire Station kasama ang Philippine National Police at Philippine Coast Guard matapos ang pagguho ng lupa sa Brgy. Cabangaan, Silang, Cavite nitong Hulyo 24, bilang bahagi ng Oplan Paghalasa ng Bureau of Fire Protection Region 4A.

Sa unang bahagi ng operasyon, nailigtas ng mga bumbero ang isang 50-anyos na lalaki habang narekober din ang isa pang biktima na hindi na naisalba. Patuloy naman ang isinasagawang retrieval operations para sa dalawa pang nawawala.

Ayon sa mga otoridad, mahirap ang operasyon dahil sa madulas na lupa, makapal na putik, at pabagu-bagong lagay ng panahon.

📷: BFP Tagaytay FS Cavite


Saludo kami sa inyo! ❤️Maraming salamat sa lahat ng rescuers at volunteers na buong puso at dedikasyong naglaan ng oras,...
24/07/2025

Saludo kami sa inyo! ❤️

Maraming salamat sa lahat ng rescuers at volunteers na buong puso at dedikasyong naglaan ng oras, lakas, at tapang upang tumulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Ang inyong sakripisyo at malasakit ay tunay na inspirasyon sa gitna ng kalamidad.


Adres

Philippine

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer The Cavite Rising nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Contact

Stuur een bericht naar The Cavite Rising:

Delen