
02/09/2024
https://www.facebook.com/100063726648624/posts/1051776243623254/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6v
Iligal umanong inaresto ng kapulisan sa San Franciso, Quezon ang tatay ng babaeng magsasakang biktima ng gawa-gawang reklamong 'Anti-Terror Law' ayon sa Tanggol Quezon.
Batay sa ulat ng human rights group, wala umanong hinaing search o arrest warrant ang kapulisan nang arestuhin si Roberto Mendoza, tatay ni Lieshel Mendoza, isang peasant rights advocate at human rights defender.
Anila, sinira pa ng mga awtoridad ang dingding ng koprahan ng mga Mendoza matapos itong arbitraryong halughugin.
Sinampahan umano ng gawa-gawang reklamo si Lieshel ng paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020 at The Terrorism Financing Prevention And Suppression Act of 2012 ng 85th Infantry Battalion noong Enero ngayong taon.