05/07/2023
Dahil End of School year at lilipat din ako sa secondary school gumawa ako ng lyrics sa tunog ng awiting "Kanlungan"
Sayang hindi nasimulan sa pinaka simula yung video. . Hindi kasi nila ineexpect na may pasabog 😅
Lyrics:
Pana-panahon ang pagkakataon,
Maibabalik ba ang kahapon? 🥹
Natatandaan niyo pa ba?
Nang dito sa Belmont unang nagkita,
Panahon ng kamusmusan,
Sa piling ng silid-aralan'y nagtawanan..
Dito kayo nagsimulang,
Mangarap at tumula...
Natatandaan niyo pa ba?
Inukit pangalan ko d'on sa CR 😅
May negatibo at positibo,
Inyong tandaan ang mga bawat payo,
Dahil Mahal ko kayo,
Ang gunita ng ating kahapon..
Ang mga bilin ko at saway,
Ang kabiyak ng ating gunita,
Sa paglipas ng panahon,
Bakit may kailangan pang lumisan? 🤧
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon? 🥺