![PUSA KAMING GALA 🎶https://youtu.be/UHTat77RCNk?si=WfFmYDBeZqftuGVG[Verse 1 ]Sa malamig na gabi, kami ay nag-iisaLungkot ...](https://img3.medioq.com/723/065/1017416367230654.jpg)
06/08/2025
PUSA KAMING GALA 🎶
https://youtu.be/UHTat77RCNk?si=WfFmYDBeZqftuGVG
[Verse 1 ]
Sa malamig na gabi, kami ay nag-iisa
Lungkot sa mga mata, inyo sanang makita
Sa kalsada kami naglalakad
Munti naming paa, naghahanap ng pag-asa.
[Verse 2]
Wala kaming hangad, kundi mahalin kami
Ang magkaroon ng isang tahanan at pamilya
Huwag nyo sana kaming saktan
Gaya nyo din kami hangad ay buhay na payapa
[Chorus]
Pusang gala puso'y nangungulila,
Naglalakbay na mag-isa
Ngunit may pag-asa.
Huwag sana kaming saktan
Buksan sana ang puso at isipan
[ Verse 3 ]
Sa madilim na sulok, nagtatago kami
Naghihintay ng tulong, ng isang pag-aaruga.
Umulan man o sa init
Sana'y maranasan namin kahit isang saglit.
[Chorus]
Pusang gala puso'y nangungulila,
Naglalakbay na mag-isa
Ngunit may pag-asa
Huwag sana kaming saktan
Buksan sana ang puso at isipan
(Bridge)
Pusa kaming gala may kwentong kakaiba,
Oh bakit minsan kay lupit ng tadhana
Sana balang araw kami pagkalooban ng buhay na payapa
[Chorus]
Pusang gala puso'y nangungulila,
Naglalakbay na mag-isa
Ngunit may pag-asa.
Huwag sana kaming saktan
Buksan sana ang puso at isipan
Provided to YouTube by DistroKidPusa Kaming Gala · raksP · raksP · raksPPusa Kaming Gala℗ 9391419 Records DKReleased on: 2025-06-08Auto-generated by YouTube.