03/06/2026
Napanood ko yung vlog sa page ni Ser Geybin at naalala ko ang mga panahong dumaan din ako sa matinding panic attacks at emotional struggles. I experienced that 3x in my life dalawa (na ako lang nakakaalam) and last year (nag open-up ako sa pamilya ko.) Magkakaiba ng reason Yung mga pangyayari na yan and I am so thankful dahil nandito pa ako at patuloy na natututo.
Dahil dito, gusto kong magshare ng paalala:
Maging mabait tayo sa isa't isa. Hindi natin alam kung anong laban ang kinakaharap ng bawat tao sa araw-araw.
Iwasan nating tawaging "kaartehan" o "papansin" ang nararanasan ng iba. Ang depression, anxiety, panic attacks, at iba pang mental health struggles ay hindi biro. Walang pinipili ang mga ito—maaaring maranasan ng kahit sino, gaano man sila kasaya o katatag sa paningin natin.
Minsan, ang isang taong nakangiti sa harap ng maraming tao ay siya ring tahimik na lumalaban sa sarili niyang mga problema.
Bago tayo manghusga, piliin nating umunawa. Bago tayo magsalita, piliin nating maging mabait.
Hindi natin kayang alisin ang sakit ng isang tao, pero maaari tayong maging dahilan para gumaan nang kaunti ang kanilang dinadala.
And to those who are currently struggling with their thoughts and emotions, I want to tell you this
You matter. You are heard. You are loved.
You may not feel it right now, and everything may seem overwhelming at the moment, but you are not alone in this battle. There are people who care about you, and there are people who would rather have you stay than lose you.