Troyskie

Troyskie Dairy Farmer in New Zealand
Sharing my personal journey, lifestyle, and travel experiences in New Zealand! πŸ‡³πŸ‡Ώ
Not a recruiter or immigration adviser.
(5)

All content is for inspiration only.

950,000 na tayo! πŸ™Œβœ¨Konti nalang, 50,000 na lang β€” 1 MILLION followers na! πŸ”₯πŸ’―Grabe, sobrang thankful ako sa inyo. Sa laha...
19/09/2025

950,000 na tayo! πŸ™Œβœ¨
Konti nalang, 50,000 na lang β€” 1 MILLION followers na! πŸ”₯πŸ’―

Grabe, sobrang thankful ako sa inyo. Sa lahat ng sumuporta from the start hanggang ngayon β€” THANK YOU so much! Hindi lang β€˜to tungkol sa numbers, kundi sa journey, sa growth, at sa inspiration na pinapasa natin araw-araw. ❀️

Sa mga OG followers at sa mga bagong sali β€” salamat sa tiwala, suporta, at pagmamahal. Let’s continue to grow together, inspire more people, and reach for even bigger dreams.

Tuloy lang sa pangarap. Tuloy lang sa laban. Malapit na tayo β€” 1M, here we come! πŸš€

Lahat ng kikitain ko sa mga page kong Troyskie, Troy Duhalng, at Troy in New Zealand ay buong puso kong ilalaan...
19/09/2025

Lahat ng kikitain ko sa mga page kong Troyskie, Troy Duhalng, at Troy in New Zealand ay buong puso kong ilalaan para tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Hindi ito para sa views, hindi ito para sa papuri β€” kundi para sa tunay na malasakit at pagmamahal sa kapwa.

Matagal ko na itong pangarap, pero noon, wala akong kakayahan. Ngayon, kahit malayo ako sa Pilipinas, at may maayos na trabaho dito sa New Zealand, ito na ang pagkakataon ko para ibalik ang biyayang natatanggap ko. Hindi kailangang malaki, basta taos sa puso.

Ang saya sa pakiramdam na kahit maliit, may naiaabot ka sa kapwa, at makita mong ngumingiti sila dahil sa tulong na 'yon β€” sapat na 'yon para sa akin. Hindi ito content lang. Ito'y layunin.

Sana suportahan ninyo ako sa hangaring ito. Hindi lang ito proyekto β€” ito'y panghabambuhay na misyon. Kita-kits sa Pilipinas pag-uwi ko, at tuloy-tuloy lang tayo sa pagtulong. Marami pa tayong mapapasaya.

Habang may buhay, may pagkakataon tayong magmahal at magmalasakit. Gamitin natin ito sa tama.

Hello guys!Gusto ko lang ipaalala na huwag kayong masyadong mag-focus sa "follow to follow" kasi wala itong magandang na...
19/09/2025

Hello guys!
Gusto ko lang ipaalala na huwag kayong masyadong mag-focus sa "follow to follow" kasi wala itong magandang naidudulot. Tulad ko, dati naka-focus ako sa "follow to follow", kaya ngayon marami nga akong followers pero kaunti lang ang views.

Kaya ngayon, magpo-focus na ako sa content ko.
Huwag na po kayong mag-request na i-follow ko kayo β€” kay Troy in New Zealand na lang kayo magpa-follow.

Ako, magpo-focus na talaga sa content.
Iyaman! Have a great day.πŸ€­πŸ˜œπŸ˜…

18/09/2025
Importanteng Paalala sa Lahat:Ako po ay hindi konektado sa kahit anong recruitment agency o immigration consultancy.Ang ...
18/09/2025

Importanteng Paalala sa Lahat:

Ako po ay hindi konektado sa kahit anong recruitment agency o immigration consultancy.
Ang layunin ng page ko ay magbahagi ng inspirasyon, karanasan, at tulong β€” libre at bukal sa loob.

❌ Wala akong sinisingil.
❌ Hindi ako nanghihingi ng bayad o donasyon.
❌ Hindi ako nag-aalok ng bayad na serbisyo.

Ang tanging opisyal na pages ko ay ang:
πŸ”Ή Troyskie
πŸ”Ή Troy in New Zealand
β€” parehong may blue check mark bilang patunay ng pagiging verified.

Kung may gumagamit ng pangalan ko at humihingi ng pera, huwag pong magtiwala.
I-report agad at wag magpadala ng kahit ano.

Maraming salamat po at mag-ingat tayo palagi.

17/09/2025

Paano makalibre ng wifi dito sa New Zealand?πŸ‡³πŸ‡ΏπŸ“Ά

17/09/2025

Bukas na pala ang flight ko. Akala ko hindi pa. Hindi ko tuloy alam kung masaya ba ako o malungkot sa pag-uwi.
πŸ‡³πŸ‡ΏβœˆοΈπŸ‡΅πŸ‡­
πŸ˜”πŸ₯ΊπŸ₯Ή

16/09/2025

Paalam Muna.

Pansamantala muna akong magpapaalam dito sa page.

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta, nagbigay ng oras, at naging bahagi ng bawat post, kwento, at emosyon na ibinahagi ko rito. Hindi ko man kayo kilala isa-isa, ramdam ko ang presensya ninyo sa bawat pakikipag-ugnayan.

Ngayon, kailangan ko munang ituon ang oras sa sarili ko β€” para mag-reflect, maghilom, at hanapin muli ang sigla at inspirasyon.

Hindi ko alam kung kailan ako babalik. Pero sana, pagbalik ko, dala ko na ang mas buo kong sarili.

Hanggang sa muli. Paalam muna. πŸ–€

15/09/2025

Mga dapat mong malaman bago ka pumunta dito sa New Zealand.

15/09/2025
Mag-aral ka para di mo maranasan ang hirap sa bukid.’ MALI YAN!Bakit laging ganon ang tingin sa pagsasaka?Kahit agricult...
14/09/2025

Mag-aral ka para di mo maranasan ang hirap sa bukid.’ MALI YAN!

Bakit laging ganon ang tingin sa pagsasaka?
Kahit agriculture course mo, may magsasabi pa ring β€˜sayang naman, sa bukid lang din pala ang bagsak.’
Pero teka lang…

Sino bang nagsabing ang pagsasaka ay para lang sa mga walang pinag-aralan?
Pwede tayong maging professional at farmer sa parehong panahon.
Kasi ang totoong layunin ng pag-aaral ay hindi para iwasan ang lupaβ€”kundi para mahalin ito nang mas may karunungan.

Ang pagsasaka ay hindi lang trabaho, ito ay serbisyo sa bayan.
Walang magsasaka = walang pagkain.
Walang pagkain = walang buhay.

So next time na maliitin mo ang farmer, tandaan mong habang ikaw ay komportable sa opisina, ang magsasaka ay nasa ilalim ng araw, nagtatanim ng kinabukasan.

Don’t underestimate the farmer.
It’s a noble profession.



11/09/2025

Dapat wala ng atrasan kapag na refer kita ha..

Address

Hamilton

Telephone

+972559276519

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Troyskie posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Troyskie:

Share