05/10/2023
Okoy, pero bite size. 🤤 Disclaimer: Wag niyo po masyado i-judge, ha. Naparami kasi yung paprika kaya instead maggolden brown, ganyan yung kinalabasan. 😆 Pero naubos yan ni Hans. ⭐️
Nakakamiss yung okoy ni Ate Ipay sa Old. 7 pesos ata yun isa non. Di ko na alam kung magkano, pero isa yun sa mga bumuhay sakin non sa CLSU. Kapag naubusan ako ng ulam sa loob, swerte pa din pag may okoy. ☺️ Okoy, lumpia tapos yung s**ang masarap!
NAALALA KO LANG…
Natuto akong magtipid sa CLSU ng sobra. Hindi nagkulang ng support ang family ko sakin non college, pero hindi kami mayaman. Kaya ang allowance non, sakto lang. Sakto lang kung matututo kang mag-budget. Kaya natuto ako.
Ang training ko non, ililista ko lahat ng ginastos ko sa buong araw — pamasahe sa trike, contri sa dorm, breakfast, merienda, lunch, dinner, etc. LAHAT. Bakit? Para makita ko kung alin sa mga yun ang necessities ko at ano yung wants ko lang. Mahirap magtipid pag maraming wants, focus dapat ako sa needs ko.
Example:
Instead magtrike ako non, maglalakad na lang ako mula Dorm 6 hanggang CAS. Kasi ang pagttrike non, hindi ko siya need unless late na ako sa klase ko. 😆🤍
So, anong point? Marami:
1. Namiss ko yung okoy kila Ate Ipay at kung gano kamura, kasimple at kadali ng buhay sa CLSU;
2. Akala ko yun na yun non, e. Yun yung reality ko non, pero hindi yun yung buong realidad ng life, sa true lang; atttt
3. Tama yung sabi nila Chiz E. at Heart E. — hindsight is 20/20.
Dami kong alam. 😝
Ito na nga lang yung laman ng okoy:
- kalabasa
- carrot
- parsnip
- tirang tinapa
- mabangong paminta
- asin
- egg
- flour
- paprika at paminta
- tubig
- PAGMAMAHAL 😘
Ito yung sa s**a:
- s**a
- water
- as**al
- sili at bawang galing sa artem
- asin
- paminta
- sibuyas
- PAGMAMAHAL ulit, syempre.
Ayon si Hans, na-umay. Charrrr. 😆