17/06/2026
"Oo nga eh, palasimba naman ako.”
But remember, tao lang din ako na may puso, may feelings, at minsan nadadapa, napapagod, at nadidisappoint.
Alam mo, hindi porke't laging nasa church eh ibig sabihin perfect na, walang problema, o laging masaya. Hindi ganun 'yun. Nasa simbahan man ako araw-araw, tao pa rin ako na nasasaktan, napupuno ng doubts, at minsan nagkakamali din.
But the difference is, kahit ganito, hindi ako tumatalikod. Kahit mahirap, kahit may mga bagay na hindi ko maintindihan, babalik at babalik pa rin ako. Hindi ako nagsisimba para mag-act na banal o magaling, kundi dahil kailangan ko Siya. Need ko ng strength, need ko ng guidance, at doon ako humuhugot ng hope para makabangon ulit.
Basta ang mahalaga, tapat sa puso at sincere ang intention. Hindi man perfect ang kilos, pero buo naman ang loob ko sa Kanya. 🙏❤️"