06/12/2022
πππ£π‘ππ‘ππ§π€ π£π πππ π₯ππ§π π¨π ππππΌπππΎ π¦π½πΌπΏππ π’πΉππΊπ½πΆπ°π 2022, πππ£ππ ππ!
Hindi alintana ng mga manlalaro ng Western Philippines University (WPU) ang pagod at init ng sikat ng araw sa pag-eensayo at paghahanda, masungkit lamang nila ang ginto sa iba't ibang events sa Southern Tagalog Regional Association of State Colleges and Universities (STRASUC) Sports Olympics na idaraos sa Cavite State University (CvSU), Indang, Cavite, mula ika-5 hanggang ika-9 ng Disyembre.
Tanganβtangan ng delegasyon ng unibersidad, na binubuo ng 128 na mga atleta buhat sa ibaβt ibang kampus, ang bandera ng WPU na lalahok sa larong Volleyball Men and Women, Football Men, Boxing, Softball, Futsal Women, Sepak Takraw Men, Basketball Women, Athletics, Beach Volleyball Men at Women, at Swimming.
Makikipagtunggali ang mga atleta sa 11 katunggaling State Colleges and Universities (SUCs) sa Timog Katagalugan.
Ito ay ang Palawan State University (PSU), Batangas State University (BSU), Cavite State University (CvSU), Southern Luzon State University (SLSU), University of Rizal System (URS), Laguna State Polytechnic University (LSPU), Occidental Mindoro State College (OMSC), Romblon State University (RSU), Mindoro State University (MSU), University of the Philippines -Los BaΓ±os (UPLB) at Marinduque State College (MSC).
Makikita sa pagsasanay ng mga atleta ang pagsisikap at dedikasyon nila sa bawat larong kanilang sasalihan.
Ayon kay G. Marcelito Glenn S. Llavan, Sports OIC ng WPU, maganda raw ang ipinapakitang performance ng mga atleta ng WPU sa kanilang pagsasanay para sa STRASUC Olympics.
Tiwala siya na makakapag-uwi ng gintong medalya ang mga manlalaro ng Boxing at Athletics.
βAyos na rin sila sa training, medyo maganda na rin ang nagiging preparasyon para sa STRASUC Olympics. Sigurado naman (na makakakuha ng ginto), number 1 boxing, sigurado diyanβ¦ at sa athletics.β
Sa naging panayam naman kay Jesfer R. Sabanes, 22 taong gulang, BSCrim student ng WPU-Main, at gold medalist sa athletics sa nakalipas na STRASUC Olympics 2019: 400-meter dash hurdle at 4x400-meter dash relay, mas lalo pa raw siyang humusay sa pagtakbo kumpara sa nakaraan niyang mga laro, at kumpiyansa siyang makasungkit ulit ng gintong medalya sa darating na kumpetisyon.
βSa training ko ngayon, kakayanin. Sa ngayon mas nagbaba ang time ko kaysa sa time ko noong nakaraang STRASUC.β
Nakaraang Abril 22-28, nasa ikapitong pwesto ang WPU sa total medal tally noong STRASUC Olympics Bubble Competition 2022 na ginanap sa Southern Luzon State University (SLSU), Lucban, Quezon Province.
Subalit, hindi pa nga tiyak kung maiaangat pa ang ranggo ng unibersidad sa December STRASUC Sports Olympics dahil sa limitado lamang ang mga atletang madadala at kategoryang malalahukan ng WPU.
βSa ngayon, limited lamang ang sinalihan nating event, lalo na mainland southern tagalog ang venue ng palaro, [hindi gaya ng sa atin] sila talaga ang magfu-full forceβ¦.dahil kaunti lang ang gastos sa biyahe nila at pwede sila magdala ng maraming athletes,β sambit ni Ginoong Llavan.
Kasalukuyan nang nasa Cavite State University (CvSU) ang ating mga atleta at makikipagtuos sila sa iba't ibang mga SUCs hanggang sa ikasiyam ng Disyembre.
- Eliezer A. Mercado
WPUans, pabaunan natin sila ng taus-pusong panalangin at mainit na suporta.
Go WPU! Go for Gold!