12/10/2025
⚠️ FREELANCERS, INGAT SA MGA GANITO! ⚠️
May ganitong account na nag-message sa’kin sa Black app — kunwari nagre-recruit for work-from-home jobs.
Ang offer? Retyping 75–100 pages daw for $1,200 😅 (too good to be true, diba?).
After ko siyang i-message at sabihing “Stop scamming people,” ayun… bigla na lang nawala yung account. 🚫
Mga ka-freelancers, lalo na sa mga baguhan, please always remember:
🔹 Walang legit client na agad nag-o-offer ng malaking pera nang walang proper interview o contract.
🔹 Double-check ang account at company name bago magtiwala.
🔹 Kung may duda — wag nang ituloy!
Let’s protect each other online. 💪