27/08/2025
๐ง๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐๐ฟ๐๐ถ๐๐๐ ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐ฒ๐๐ผ๐๐ป ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐๐
๐๐ช ๐๐ณ๐ช๐ด ๐๐ฏ๐ฏ๐ฆ ๐๐ญ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฏ
Nagpamalas ng matinding husay at malikhaing imahinasyon ang mga cake artists mula sa Abuyog at karatig bayan sa ikalawang taon ng Beetown Cake Decorating Contest 2025 na ginanap sa Abuyog Hotel nitong Martes, Agosto 26, bilang tampok na bahagi ng engrandeng Linggo ng Abuyog.
Inorganisa ng Beetown Homebakers, katuwang ang Abuyog LGU at ang pangunahing sponsor na Bakersfield Philippines, ang patimpalak na hinati sa dalawang kategorya: local at open. Apat (4) ang nagpakitang-gilas sa local category, samantalang siyam (9) ang lumaban sa open category.
Dalawang oras ang ibinigay sa mga kalahok upang ilatag ang kani-kanilang obraโsuperhero-inspired cake para sa local, at wedding cake design naman para sa open category. Sa kabila ng kaba at presyur, naging puspusan at maselan ang bawat kamay na nag-ukit ng kulay at tamis sa kanilang mga cake.
Ayon kay G. Erick Jhon Ngo, punong tagapamahala ng aktibidad, higit pa sa paligsahan ang kanilang layunin:
โAn purpose sini nga event is makita naton an talent san lokal naton na mga cake artists; an mga design, nga makita sa Region 8, bisan sa bug-os Pilipinas, na sa dinhi sa Abuyog mayda nat maipakita na diri la kita basta-basta,โ ani G. Ngo.
Nagpahayag din ng pagbati at suporta si Hon. Mayor Lemuel Gin K. Traya sa mga kalahok at sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Sa huli, itinanghal ang mga kampeon:
Local Category: 1st โ Jayson Dajotoy; 2nd โ Cherry Marie Rizal; 3rd โ Jamaila Pensona
Open Category: 1st โ Donna Adonis; 2nd โ Melba Suganob; 3rd โ Mary Fe Eslera
Partikular na tumatak ang tagumpay ni Donna Adonis, isang baguhan sa baking at unang beses na sumali sa patimpalak.
โSyahan ko pagbulig han contest tas nag-1st place ako dayon. Diri talaga ako mag-expect, kay an akon mga ka-kompetensiya mga pro-baker na. Pero memorable experience gud ini para ha akon,โ masayang pagbabahagi niya.
Sa pagdiriwang ng Linggo ng Abuyog 2025, pinatunayan ng 2nd Beetown Cake Decorating Contest na hindi lamang pista at aliwan ang nagbibigay-buhay sa bayan, kundi pati na rin ang tamis ng sining at ang husay ng mga Abuyognon sa larangan ng baking.
๐ท L. Gerones