05/10/2025
"HUWAG GAWING DAHILAN ANG MGA ANAK PARA LANG MANATILING BUO AT MAGKAKASAMA PERO WASAK NAMAN SA LOOB"
Huwag na pilitin ang manatili dahil lang sa mga Anak.
May kilala akong babae na ilang taon nanahimik sa piling ng isang lalaking araw-araw ay unti-unting sinisira ang loob niya. Hindi siya iniwan, hindi siya sinaktan sa pisikal na paraan, pero binura ang tiwala niya sa sarili, pinutol ang pakpak niya, at binaba ang halaga niya sa mga mata ng iba. At alam mo kung bakit siya nanatili? Dahil sa mga anak nila.
Akala niya, iyon ang sakripisyong dapat gawin ng isang ina na manatili para buo pa rin ang pamilya.
Na kahit siya ang nasisira, basta’t nakikita ng mga anak na “magkasama pa rin sila,”
sapat na iyon.
Pero isang gabi, nang makita niya ang mga anak na tahimik lang habang siya at ang ama nila’y nagtatalo, napagtanto niyang mali siya. Dahil nakikita ng mga bata.
Naririnig nila ang katahimikan pagkatapos ng sigawan.
Nararamdaman nila ang tensyon sa loob ng bahay.
At mas nakakatakot pa unti-unti nilang iniisip na normal lang iyon.
Na ang pagmamahal ay may kasamang sakit. Na ang respeto ay puwedeng hindi ibigay.
Na ang pagtitiis ang sukatan ng pamilya.
Hindi mo kailangang manatili para ipakita na buo ang tahanan.
Dahil mas mahalaga sa mga anak ang
"malusog na tahanan" kaysa sa perpektong larawan ng pamilyang magkasama pero wasak naman sa loob.
Okay lang umalis.
Okay lang mag-co-parent.
Okay lang maging single parent.
Ang hindi okay ay turuan ang mga anak na magtiis sa maling relasyon.
Na manahimik kahit binabali ang respeto nila. Na manatili sa lugar na hindi na sila pinahahalagahan.
Minsan, ang pinakamatapang na hakbang ng isang magulang ay ang bumitaw.
Hindi dahil sumuko ka, kundi dahil ayaw mong palakihin ang mga anak mo na iniisip na ang "pag-ibig ay dapat masakit."
At kapag pinili mo ang sarili mo,
pinili mo rin sila.
Pinapakita mong may mas mabuti pa,
na posible ang kapayapaan, at karapat-dapat silang lumaki sa tahanang puno ng respeto at pagmamahal, hindi takot at luha.
Dahil sa huli, hindi nila kailangan ng magulang na nanatili pero unti-unting namamatay sa loob. Kailangan nila ng magulang na buhay, malaya, at buo.