
03/07/2025
Sitwasyon:
Si Ma’am Liza ay isang Grade 9 adviser na kilalang masigasig, mapagmalasakit, at handang umunawa sa bawat estudyante. Isa sa kanyang mga advisee si Ken (ginamit na pangalan lamang ngunit walang kinalaman sa tunay na nagmamay-ari ng pangalan), isang mag-aaral na bihirang pumasok, laging walang assignment, at tila walang interes sa klase. Kahit ilang beses na siyang kinausap ni Ma’am, tila wala ring pagbabago.
Bilang g**o, ginawa ni Ma’am Liza ang lahat:
Gumawa siya ng modified learning materials para mas maging “engaging” para kay Ken.
Personal niyang kinausap ang magulang, ngunit sagot lang ay:
"Wala na po kaming magagawa d'yan, Ma'am. Matigas na po ulo n'yan."
Inihahabol niya si Ken sa mga gawain kahit wala siyang pakialam, kasi ayaw niyang bumagsak ito.
Gumagawa siya ng intervention plan, EWS report, monitoring form, learning packet, at minsan pati printed modules, lahat para sa isang batang wala nman yatang interes sa kanyang pag-aaral.
**o **oFeels **ongMatatag