
19/02/2025
Madaming pwedeng gumaya sa Negosyo mo,
kasi madami din gustong kumita gaya mo,
hindi lang ikaw ang marunong at hindi lang ikaw ang may puhunan..
Alam mo ang hindi nila kayang gayahin?
Ito yung MINDSET na meron ka at paano mo paandarin yung business mo at paano ka makitungo sa mga clients mo😊❤️
Hindi yan pabilisan, wala din yan sa padamihan at higit sa lahat hindi din yan Unahan....
Sa negosyo ang labanan jan ay patatagan, patibayan ng loob At kung sino ba ang may LONG-TERM PLANS at LONG-TERM ACTIONS and EFFORTS maraming blessing dumating sa Buhay 🤗
Kaya wag ka matakot mawalan ng clients ,
wag ka mag focus sa customer.......
Mag focus ka sa business at self development mo.
Pag may nawala may bagong kapalit yan
Dahil masasaktan ka lang pag may client ka na nakita mo lumipat at sa iba bumili o kumain, Normal naman yun eh bakit si Jolibee at Mcdo nagtatampuhan ba sila if May hindi kumain sa kanila?
Tuloy lang ang business at wag na wag ka mag susunog ng hagdanan baka pag kailangan mo na bumaba wala kana maapakan..
Tandaan people will come and Go,
Ang swerte nalang natin pag may mga loyal clients tayo.
Kaya Pahalagahan at alagaan natin sila🫰💝
One more thing wag ka maninira ng kapwa mo wag pakialaman ang diskarte ng ibang tao☺
1.Self confidence
2.Self improvement
3.Buhay negoosyo
3.Negosyante mindset
4.Business minded
5.Business improvement
Credit to the owner.