07/05/2026
๐๐ฅ๐๐๐ฐ ๐ญ๐ข ๐๐๐ฆ๐ฆ๐ข๐ ๐๐ข๐ ๐ค๐๐ง ๐๐๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐๐ฐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐
Idinaos ang Aldaw ti Pammigbig ken Pammadayaw 2026, isang seremonya ng pagkilala at pagtatapos, noong Mayo 6, 2026 ng hapon sa Jose D. Aspiras (JDA) Hall na dinaluhan ng mga mag-aaral, magulang, kawani at kaguruan ng Don Mariano Marcos Memorial State University-South La Union Campus Laboratory High School (DMMMSU-SLUC LHS).
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng isang Audio-Visual Presentation (AVP) na naglalaman ng doksolohiya at pag-awit ng โPilipinas Kong Mahal,โ pambungad na pananalita ni Prof. Nestor F. Ulpindo, at sinundan ng pagkilala sa mga mag-aaral ng ika-7, 8, 9, at 11 na baitang na tumanggap ng parangal sa kahusayang akademiko.
Pormal na ipinresenta ni Prof. Ulpindo, ang mga kandidato ng ika-10 at ika-12 baitang na magsisipagtapos, na sinundan naman ng opisyal na pagpapatibay ni Dr. Nona M. Rivera, dekana ng kolehiyo ng Edukasyon, bilang pagkilala sa kanilang kahandaan para sa susunod na yugto ng kanilang akademikong paglalakbay
Pinangunahan ng mga tagapayo na sina G. Neil Vincent F. Guillermo ng Grade 10 at G. Brian Adams V. Bugarin ng Grade 12 STEM ang paggawad ng katunayan ng pagtatapos kasabay ang pagkilala sa iba pang natamong karangalan.
Pinasiwaan ni Jen Micah L. De Vera ang Pledge of Loyalty, isinagawa naman ni Prof. Frederick G. Tadifa ang pagtatalaga sa mga nagsipagtapos bilang kasapi ng Alumni Association, at nagbigay naman ng pagpupugay para sa mga magulang ng magsisipagtapos si Kayeziah P. Picarzos.
โNagtapos and programa sa isang emosyonal na pag-awit ng awiting pampagtatapos na โThe Climbโ, na sinundan ng pag-awit ng himno ng pamantasan.
โ
โโ๐ป Alexa Shamcey Estimo at Angeli Freya Ganno
โ๐ธ Sir Nathanael Milanes
โ
โ
โ
โ