
05/09/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | #๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐๐น๐ฆ๐ฐ๐ถ: ๐๐ก๐ฆ๐๐ฆ, ๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฒ๐๐ต ๐ช๐ผ๐ฟ๐ฑ ๐๐๐ฝ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐
๐๐ข๐จ๐ข๐บ๐ต๐ข๐บ ๐๐ช๐ต๐บ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ดโPinatunayan ng mga delegado mula sa Alabel National Science High School (ANSHS) ang kanilang husay matapos humakot ng parangal sa 26th Word Cup Philippines na ginanap mula ika-29 hanggang ika-31 Agosto 2025. Sila ay nagwagi sa iba't ibang kategorya, na nagpapakita ng kahandaan ng paaralan para sa papalapit na Schools Press Conference (SPC).
Ang Word Cup Philippines, itinatag ng Word Cup Associated Editors Co, ay isang kompetisyon na nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral, g**o, at tagapayo ng pamahayagan na magsanay sa pagsulat at pagkuha ng litrato.
Layunin ng programang ito na mapaghandaan sila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ๐ด๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข๐ต๐ฆ๐ฅ ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ง๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ at mapabuti ang kanilang kasanayan sa kategoryang sinalihan ng mga delegado.
Nagsimula ang okasyon sa pagkilala ng dalawang tagapagsalita sa araw na iyon, na pinangunahan ni Eugenio Sonny O. Calapit, Executive Director ng Word Cup Philippines.
๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ฟ๐, ๐ช๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐๐๐ฟ๐ฒ๐
Ang unang tagapagsalita ay si Dr. Mary Jean P. Loreche, FPSP, OIC-Chairperson at CEO ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na tinalakay ang kahalagahan ng nakatatanda, hindi lamang ang mga kabataan, sa pag-unlad ng kinabukasan ng bansa.
Ani Dr. Loreche, โ[Ka]pag sinabi po nating โbreaking the barriers,โ you need the young and the old to be connected.โ Ito ang naging obhetibo ng Republic Act 11350, o mas kilala bilang National Commission of Senior Citizens Act, na siyang nagbibigay karapatan sa mga matatanda na pagsilbihan ang kanilang kapakanan at interes.
๐ฃ๐๐ขโ๐ ๐ ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฒ๐๐ผ๐ฟ๐ธ
Kasunod na naging tagapagsalita si Michael Lim Ubac, Undersecretary ng Integrated Presidential Messaging of the Presidential Communications Office (PCO), na bumahagi ng kaniyang karanasan at kaalaman tungkol sa impluwensiya ng agham at teknolohiya sa maayos na komunikasyon, lalo na at ngayong maunlad ang makabagong henerasyon sa larangan ng pamamahayag.
Idiniin din niya ang kahalagahan ng pagsasaad ng katotohanan at walang kinikilingang balita para sa pinagsisilbihang mamamayan. โTruth, not propaganda,โ pahayag ni Ubac.
Ang paghatid ng balita ay hindi para ipagdamot ng isang indibidwal lamang, kundi para sa benepisyo ng lahat na mabigyan ng kaalaman tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.
๐๐ก๐ฆ๐๐ฆ, ๐ก๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด
Mula 600 na delegadong dumalo sa okasyon, nanaig ang tatlong estudyante mula Alabel National Science High School. Nakakuha ng unang gantimpala sa kategoryang Pagsulat ng Balita sina Clarence Daniel N. Cabudlay (Junior High School Level) at Diane Kristina B. Manlapig (Senior High School Level), habang ikatlong gantimpala naman ang natanggap ni Diane Grace B. Manlapig sa Science and Technology Writing (Senior High School Level).
Hindi naman nagpatalo ang mga g**ong delegado na sina Jan Carol S. Salas, na nakamit ang ikalawang gantimpala sa Science and Technology Writing (School Paper Adviser Level) at ikatlong gantimpala sa Feature Writing (School Paper Adviser Level), habang nakatanggap naman ng Honorable Mention si Riel Fretzie Lou S. Cobel sa kategoryang Pagsulat ng Agham at Teknolohiya (School Paper Adviser Level).
Bilang isa sa may pinakamaraming delegadong lumahok sa programa, ginawaran ang ANSHS ng Gold Institutional Ambassador Award.
Ang tagumpay ng mga mag-aaral ng ANSHS ay nagbigay inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral na magsikap sa pagsasanay sa pamamahayag.
Artikulo ni Diane Kristina Manlapig
Kuha ng Word Cup Associated Editors Co.
Inanyo ni John Mart Mabasa