Scarlet's Banana Chips

Scarlet's Banana Chips Mommy Vhangie🤍🥰
Mom of two cute babies .. Scarlet Ysabella & Zian Amelie😍

20/02/2025

Linyahan ni Nanay noon..

ANATOMY
Mata ang ginagamit sa paghahanap hindi bibig

SANITATION
Anong akala mo saakin nagtatae ng Pera

HISTORY
Noong bata ako Piso lang ang baon ko, maswerte ka panga

AGRICULTURE
Kada butil ng palay ng palay na kinakain mo pinag tatrabahuhan yan ng tatay mo,Ubusin mo yan

GENEROSITY
Ibigay mo yan sa kapatid mo kung hindi malilintikan kasaken

INDEPENDENCE
Kung ayaw mo sumunod bahala kana sa buhay mo

ASTRONOMY
Para kang buwan pagmaglakad
Bilisan mo nga

RELIGION
Pag hindi mo inubos ang pagkain mo paparusahan ka ni lord

SARCASM
Ano bakit nd ka makasagot

Tapos pag sumagot ka,

At natuto ka ng sumagot ha

MAGLAKWATSA
Papunta ka palang, pabalik nko

ELECTRONICS
Your grounded hindi ka aalis ng bahay

SELF ESTEEM
Ayan... Dyan ka magaling

LOGIC
Pag nd mo nakita, makikita mo

Theory of evolution
Manang mana ka sa tatay mong unggoy

SPORTS
Tumakbo kana, pag naabutan kita malilintikan ka talaga saken

HIPNOT!SM
Makuha ka sa isang tingin

Alam ko iba sa inyo makakarelate
Kung may ganito pa kayong magulang...☺️

Ctto🥰🤍

07/02/2025

SALITANG NAKAKADUROG NG PUSO AT NAKAKAWALANG GANA SAMING MGA NANAY NA DI MO DAPAT SINASABI SA AMIN

“MUKHANG PERA” alam mo ba na napaka halaga ng pera saming mga nanay , kasi hindi naman namin mapapakain mga anak namin kung walang pera na manggagaling sa asawa .
Tandaan na walang sahod ang mga nanay kahit 24/7 inaalagaan ang pamilya.. kaya sustento talaga ang kailangan namin . Pero kung responsable kang asawa hindi na’to kelangang hingin at ipaalala , dapat kusa itong binibigay sa inyong asawa at wag na wag mong ipamumukha sa kanya na mukha syang pera kasi kung pwede lang takasan ang responsibilidad bilang isang ina , dahil gusto ng mga nanay na magkaroon ng sariling kita at hindi na niya kailangan umasa pa sa iba . Yung tipong mabibili niya lahat ng kailangan ng anak niya pati na rin yung mga gusto nya . Yun bang hindi na niya kailangan humingi , hindi na niya kailangan ipunin yung resibo at ipaliwanag kung saan ito naubos . Dahil ito ay responsibilidad sa binuo nyong pamilya ..

07/02/2025

Eto talaga ang gusto ko🤑🥹👌

07/02/2025

🧡💁

07/02/2025

🧡💯✅

07/02/2025

Kapag naging Nanay ka,
halos wala nang natitirang oras para sa sarili.

Buhay mo umiikot na sa mga responsibilidad,
at madalas, ang pahinga’y parang isang
luho na bihirang makuha.

Minsan, kahit gutom na,
mauuna pa ang gawain bago ang sarili—
dahil sa dami ng kailangang asikasuhin.

Sa pagba-budget ng pera, kahit halos imposible na,
pilit niyang pinagtutugma ang kakarampot na kita sa mga pangangailangan ng pamilya.

Puyat na nga sa pag-aalaga,
pero gigising pa rin ng maaga kinabukasan.
Pagdilat pa lang ng mata,
trabaho na agad hanggang sa muling pagpikit sa gabi.
Ganito araw-araw ang buhay niya.

Kahit sino siguro mapapagod sa ganitong kalakaran.
Pero kahit gusto nang sumuko minsan,
kailangan pa rin niyang kumilos.

Wala siyang magagawa dahil hindi niya kayang
takasan ang mga responsibilidad,
kahit na may sakit o pagod siyang iniinda.

Kaya naman, madalas, natututo na lang ang mga Nanay
na maging masaya sa maliliit na bagay.
Nasanay kasi silang hindi na-aappreciate ang hirap at sakripisyo nila. Makabili lang ng murang gamit o marinig ang simpleng papuri,
tulad ng “Ang sarap ng luto mo,” para bang nabawasan na ang bigat ng araw niya.

Mas magiging masaya siya
kung pipiliin mong samahan siya kaysa makipag-inuman,
o kung maiintindihan mo ang ginagawa niya bilang Nanay.

Sa simpleng paraan,
maipadama mo lang na napapansin mo ang sakripisyo niya,
malaking bagay na iyon para sa kanya.

Huwag mo sanang kalimutan—
kahit pagod ka sa trabaho, pagod rin siya sa bahay.

Ang totoo, bawal sa kanya ang magreklamo.
Hindi porket ikaw ang kumikita, ikaw lang ang nagsasakripisyo.

Sana ma-realize mo ito:
napapagod ka at may sweldo kang natatanggap.

Siya, napapagod din—
pero walang kapalit na kita, at kadalasan, hindi mo pa nakikita.🫂

07/02/2025

WAG NA WAG MONG BIBILANGAN ANG ASAWA MO LALO NA PAGDATING SA PERA.

Tandaan mo, ang pagiging mag asawa ay hindi kompetisyon. Hindi kailangang timbangin kung sino ang mas malaki ang naiaambag sa gastusin.
Ang mahalaga ay nagtutulungan kayo at pareho ninyong binibigyan ng halaga ang bawat sakripisyo.

Ang goal ninyo ay hindi tungkol sa kung sino ang mas lamang kundi kung paano kayo magkasamang umuusad.

Marami ng relasyon ang nasisira dahil sa financial issues. Kung palagi kang nagbibilang parang sinasabi mong "kulang ka", at walang lugar ang ganoong mindset sa isang healthy marriage.

Love isn't about accounting, it's about giving.
Wag mo hayaang pera ang maging ugat ng tampuhan o lamat sa samahan ninyo. Instead, be each other's safe space. Be open, pero wag magbilangan ng sakripisyo o kontribusyon.

Ang totoong pagmamahal ay nakikita kung paano kayo nagiging magkasangga, kahit gaano kahirap ang laban. Support each other lalo na sa panahon ng kagipitan.

Ctto

07/02/2025

"MISTER"
Wag mong pagdadamutan ang iyong Asawa
Lalo na kung wala siyang sariling Pera
Kung wala siyang trabaho
Dahil sayo lang sya umaasa

Wag mong ipamuka sa kanya na ikaw ang nagpapasok ng pera
Sa inyong pamilya
Wag mo siyang hahanapan kung saan niya dinadala ang pera

Dahil sa totoo lang napakahirap mag budget
Kung magkano ang iaabot mo, pinagkakasya niya
Ginagawa niya ng paraan
Upang hindi mo na ito dagdag isipin

Wag mo syang kwestyunin
Kung minsan ay isinisingit niya
Ang pagbili ng sarili niyang pangangailangan
Dahil deserve din naman niya yan
Sa buhay may asawa
Kaylangan pantay lang ang tingin sa bawat isa
Pareho kayong napapagod
Pareho kayong nagtatrabaho

Sa bahay lang siya
24/7 siya ikaw 6-8hours
May day off ka, siya wala
May sick leave ka, sya wala
May sweldo ka, siya wala
Kaya pantay pantay lang dapat
Hindi dahil ikaw ang nagpapasok ng pera

Ay ibig sabihin, wala na siyang ambag sa inyong pamilya.

Ctto✍️

Address

Alaminos
4001

Telephone

+639634434771

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Scarlet's Banana Chips posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Scarlet's Banana Chips:

Share