Nanay Quotes

Nanay Quotes Ang aking Anak ang aking Kayamanan.
(1)

Sa likod ng ngiti, may luhang tinatago,Puso’y matatag kahit pagod na sa mundo.Sa bawat puyat, sa bawat araw,Walang sawan...
09/08/2025

Sa likod ng ngiti, may luhang tinatago,
Puso’y matatag kahit pagod na sa mundo.
Sa bawat puyat, sa bawat araw,
Walang sawang nagbibigay na walang pag-aalinlangan.

Isang tawa, isang yakap na mahigpit,
Biglang nawawala ang lungkot sa kaniyang dibdib.

Sa mga mata ng anak na mahal na mahal,
Doon niya nahahanap ang lakas, kahit paulit-ulit masaktan.
Kahit gano’ng kalalim ang hapdi’t pagod,
Ang pagmamahal ng isang ina — hindi nauubos, hindi nawawala at hindi kumukupas.

Ctto

08/08/2025

🤍🙏

08/08/2025

Lord, Ikaw na pong bahala. I surrender everything to You Panginoon ko. Alam ko alam Mo po laman ng puso ko🙏

08/08/2025

Hindi mo talaga alam kung kelan ka magbbreakdown. Gaano ka man katatag dadarating parin sa punto na mangghihina ka.

08/08/2025

Magandang gabi, kamusta ka ? Okay ka lang ba ?

Huwag nyong isipin na broken family kapag nawalan ng Ama o Ina ang tahanan. Hindi doon nakasalalay ang pagiging broken f...
08/08/2025

Huwag nyong isipin na broken family kapag nawalan ng Ama o Ina ang tahanan. Hindi doon nakasalalay ang pagiging broken family ng isang pamilya.

Kahit magkakasama kayo sa iisang bubong may nanay, may tatay, may mga anak pero wala na yung pagmamahal BROKEN 'YUN.

Pero kahit ikaw lang yan, kahit single mom ka pero buo ang pagmamahal mo sa iyong mga anak, at mahal ka ng iyong mga anak there is no broken family. Hindi yan nakasalalay sa presensya ng Nanay o Tatay. Nakasalalay yan sa totoong pagmamahal na namumuo sa pamilya.

As long as mahal mo yung mga anak mo, at mahal ka ng mga anak mo, buo ang inyong PAMILYA!

Ctto🤍

07/08/2025

Good morning Lord, salamat po sa panibagong umaga. Gabayan Ninyo po kami ng aking pamilya🤍🙏

🤷
06/08/2025

🤷

🧡
06/08/2025

🧡

06/08/2025

TANGGAP KO NA. OKAY NA AKO.
Hindi na ako galit, hindi na rin ako nagtatanong
kung bakit, matagal ko nang pinasan ang sakit,pero ngayon, mas pinilk ko nang bitawan ka.

SALAMAT SA LAHAT.. sa masasayang alaala, sa mga aral at kahit sa sakit na iniwan mo, lahat ng yon,naging bahagi ng paglago ko. Hindi ko man naabot ang HABAMBUHAY” na pinapangarap ko noon,natutunan ko ang tunay na pagmamahal,
Ay hindi laging tungkol sa pagpilit, kundi sa pagpapalaya kahit mahirap.

Hindi ko na hinanap ang sagot,hindi ko narin inaasam ang pagbabalik mo. Ang mahalaga, payapa na ako, at sigurado ako na kaya kunang harapin ang bukas ng hindi ikaw ang kasama.. maging masaya kana sana..
Gaya nang pagiging masaya ko, kahit wala kana..

Ctto

06/08/2025

Minsan mas mabuting mag move on, kesa kumapit sa taong hindi maintindihan kung sino ka talaga sa buhay nila...
Sa kasamaang palad, darating ang mga oras na kahit sarili mo hindi muna kilala dahil sa ginagawa mong pagpapakababa, wag lang silang mawala...

Kailangan mong itigil ang pananakit sa sarili mong puso, sa pagsisikap na ayusin ang isang relasyon na malinaw naman na hindi na kayang ayosin pa...

Hindi mo mapipilit ang isang tao na dapat at tunay ang pagmamalasakit sa iyo o maging totoo sayo...

Hindi mo mapipilit ang isang tao na maging tapat sayo o wag kang lokohin...

Hindi mo mapipilit ang isang tao na maging taong kailangan ka, kasi mahal ka hindi dahil mahal ka kasi may kailangan sya...

Ang totoo, minsan ang taong pinaka gusto mo ay ang taong mas mainam pang bitiwan kesa ipaglaban...

Kailangan mong intindihin na may mga bagay na dadating sa buhay mo, hindi para manatili kundi para turuan ka ng aral at para ituro kung pano ka maging matatag...

Lahat ng ginagawa mo para ipakita ang pagmamahal, kailangan mo din mag-ingat...
Huwag abusohin ang iyong sarili sa pagsisikap na ayosin kung ano ang hindi dapat...
Dahil hindi naman karapat dapat ipaglaban ang taong pilit mong pinaglalaban...

Hindi mo makukuha ang relasyong kailangan mo sa taong hindi pa handang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya...

Alam kong mahirap kapag nakilala mo ang isang tao at sya ang gusto ng puso mo, iyon ang taong gusto mong makakasama habang buhay, at sisimulan mong tanggapin ang lahat ng kamalian nya pero sa bandang huli iiwanan karin pala...

At kahit ilang beses kang umiyak sa pagtulog sa gabi, wala din saysay dahil pag hindi ka nya talaga mahal, walang silbi ang yung mga luha...
Wala silang awa kahit maglupasay kapa sa kanilang harapan na wag kang iwanan, magmumukha ka lang kaawa awa...

Wag mawalan ng pag asa, bitiwan muna ang taong wala kang halaga at doon mo makikita na madami kang taon na sinayang para lang sa taong akala mo ay tama para sayo...

Ctto🤍

06/08/2025

HINDI SYA BASTA NAGBAGO LANG.

Unti unti syang nagbago dahil sa paulit ulit nyang pagpapatawad at pagtitiis sa mga maliliit mong kasinungalingan na akala mo wala lang
Inubos mo siya hanggang sa wala nang natirang pagmamahal sa puso niya para sa’yo
Ngayon, kahit anong lapit mo
Wala na siyang nararamdaman

Akala mo ba habangbuhay kang mauunawaan
Akala mo ba lagi kang patatawarin
Akala mo ba hindi siya napapagod kahit paulit-ulit mo siyang sinasaktan

Saan ka humuhugot ng lakas ng loob para magsinungaling… Habang siya humuhugot ng lakas para manatiling totoo sa ‘yo

Hindi mo lang siya niloko
Nilamon mo unti-unti yung tiwala, yung respeto, at yung pagmamahal na ikaw lang sana ang makakakuha

At habang akala mo okay lang lahat, habang pinapatawad ka pa niya
Unti-unti ka na palang nawawala sa puso niya

Dahil ang tao, napapagod

Paulit-ulit niyang pinili ang magpatawad…
Hanggang sa isang araw, piliin na niyang manahimik

Hindi na dahil okay na siya kundi dahil ubos na siya
Wala na
Patay na lahat ng emosyon para sa ’yo

At ang masakit
Hindi mo man lang napansin

CTTO.

Address

Alaminos
4001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nanay Quotes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Nanay Quotes:

Share