08/06/2026
Mga bawal at dapat mong iwasan after BREAKUP.
1.
Bawal maghabol agad.
Hindi ka pulubi ng pagmamahal. Kung umalis siya, hayaan mong maramdaman niya yung pagkawala mo.
2.
Bawal magmakaawa.
Respect > desperation. Kahit masakit, huwag mong ibaba ang sarili mo para lang manatili siya.
3.
iwasan i-stalk 24/7.
Hindi ka makaka-move on kung lagi mong binabantayan kung sino na ang kapalit mo.
4.
iwasan gawing content ang sakit mo para mapansin siya.
Heal in private. Hindi lahat ng nararamdaman mo kailangan i-post.
5.
iwasan pumasok agad sa rebound.
Hindi ka naghahanap ng panakip-butas. Ayusin mo muna sarili mo.
6.
iwasan sisihin ang sarili sa lahat. Hindi lahat kasalanan mo. May part din siya at minsan, hindi lang talaga kayo para sa isa't isa.
7.
Bawal kalimutan ang sarili mong value. Iniwan ka niya hindi ibig sabihin wala ka nang halaga.
8.
wag umasa sa "baka bumalik."
Move forward as if hindi na siya babalik. Kung bumalik? Bonus na lang 'yon.
9.
iwasan i-isolate ang sarili. Hindi mo kailangan mag-isa sa laban na 'to. Lumabas ka. Huminga ka.
10.
Bawal madaliin ang healing. Hindi 'to karera. May araw na okay ka, may araw na hindi. Normal 'yon.
"Hindi ka nasira ng break up... pinakita lang nito kung saan ka pa dapat buuin.
"Hindi ka niya iniwan para habulin mo iniwan ka para palitan. Ang tunay na panalo? Yung version mo na hindi na siya kailangan.
Habang umiiyak ka... may ibang nagpapasaya na sa kanya. Reality check.