
24/07/2025
๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ | Special
๐ก๐ถ๐น๐ฎ๐บ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด
Sa isang bayan kung saan ang mga bata ay hindi na tumatawa sa gabi,
doon ako lumaki.
Hindi dahil mahigpit ang magulang.
Hindi dahil bawal.
Kundi dahil natutunan naming itikom ang ngiti sa bawat tunog ng takot โ
gaya ng kandilang pinatay ng malamig na hangin,
gaya ng hiningang tinikom kapag may naririnig na sigawan sa kabilang kwarto.
Sa umaga, makikita mo kaming nakangiti.
Nasa likod ng school ID ang mga drawing ng bituin.
May โbest in somethingโ ang ilan,
may TikTok account ang iba,
at may dalang jokes ang karamihan.
Pero pagsapit ng dilim,
ang halakhak ay nagiging hilik ng pagod,
ang mga mata'y punรด ng tinagong ulan,
at ang damdamin ay parang lumang laruan โ nakasilid sa kahong walang gustong buksan.
May mga batang maingay kapag tahimik ang paligid,
dahil ayaw nilang marinig ang sarili nilang iniisip.
At ako โyun minsan.
Nagsasalita kahit walang kausap.
Nagpapanggap na abala.
Nagtatawa kahit walang nakakatawa.
Kasi, kapag tumahimik ako,
naririnig ko na naman โyung mga tanong na matagal nang hindi sinasagot:
โOkay ka lang ba?โ
โBakit parang iba ka na?โ
โWala ka na bang pangarap?โ
Dumating ako sa puntong ang mga pangarap ay hindi na bituin kundi balon โ
mas malalim habang pinagmamasdan,
at mas nakakatakot habang nilalapitan.
Ang dating โGusto kong maging pilotoโ ay naging
โOkay na kahit anong trabahoโฆ basta makatakas.โ
Sa bawat tulog, may batang humihiling:
โSana hindi na ako magising.โ
Pero kinaumagahan, gigising pa rin โ
para isuot ang maskarang tinatahi gabi-gabi gamit ang sinulid ng โkaya pa โto.โ
At sa ganitong mundo,
ang mga batang hindi na tumatawa sa gabi
ay hindi tamad.
Hindi mahina.
Hindi pabigat.
Sila ang mga bayani ng katahimikan,
na araw-araw sumisigaw sa loob,
pero walang nakakarinig.
โSana isang araw, maingay na ulit ang gabi.โ
Akda ni ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ต๐ฒ๐ป ๐๐ผ๐ต๐ป ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ
Iginuhit ni ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐๐๐๐๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐๐ฒ ๐ฌ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ