26/08/2025
๐๐๐๐๐๐ | Pagsusulong ng Filipino at Katutubong Wika sa Kolehiyo ng Edukasyon ng IFSU Potia Kampus
Ipinagdiwang ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Pamantasang estado ng Ifugao, Potia kampus ang Buwan ng Wika 2025 na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa" upang ipagbunyi at bigyang halaga ang wikang Filipino bilang pundasyon ng ating kulturang pamana ngayong ika-dalawampu't-anim ng Agosto taong kasalukuyan sa bulwagan ng IFSU Potia Kampus.
Bago pormal na magsimula ang programa, isinagawa ang pagpapakilala sa lupon ng mga hurado sa pamamagitan ng voice-over. Pagkatapos nito, binuksan ng tagapagdaloy ang programa sa pamamagitan ng mainit na pagbati sa mga hurado, mga mag-aaral ng edukasyon, at mga g**o.
Sinundan ito ng panimulang panalangin na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at pasasalamat. Pagkatapos ay sabay-sabay na inawit ang Pambansang Awit (Lupang Hinirang) at Himno ng IFSU bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at sa institusyon. Nagbigay din ng inspirasyon ang pambungad na bilang, isang katutubong sayaw na nagpapakita ng mayamang kultura at pagkakaiba-iba ng mga rehiyon sa Pilipinas.
Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ay ang ibaโt ibang paligsahan at pagtatanghal. Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento sa Katutubong Sayaw, na nagbigay-buhay sa kultura ng ibaโt ibang tribo at rehiyon. Naging makulay din ang Bayani Kalook-alike Contest, kung saan hinangaan ang mga kalahok sa kanilang malikhaing paghahalintulad sa mga bayani. Dagdag pa rito, nagpasigla sa entablado ang mga presentasyon ng sayaw na Hip-hop, modernong sayaw na hinaluan ng temang makabayan. Bukod sa mga pagtatanghal, naging kapana-panabik din ang Tagisan ng Talino, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kaalaman hinggil sa wika, kasaysayan, at kultura ng bansa.
Bilang pagtatapos, nagbigay ng pangwakas na pananalita ang punong tagapagpalaganap ng programa, kasunod ang karagdagang mensahe mula sa Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon na si Propesor Matronillo M. Martin. Ayon kay Dr. Martin, โWikang Filipino, ating pagyamanin,โ sapagkat itoโy hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon kundi haligi ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakaisa bilang isang bansa.โ Ipinahayag din nya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng lumahok at ang patuloy na pangangalaga sa ating sariling wika at kultura. Pagkatapos ay isinagawa ang pagbibigay ng gantimpala at sertipiko sa mga nagwagi at sa lahat ng mga aktibong nakilahok.
Itinatampok sa programa ito na ang Filipino at mga katutubong wika ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon kundi mahalagang bahagi ng ating pagiging Pilipino. Tunay nga na ang Filipino at mga katutubong wika ay bahagi ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan.
Isinulat nila Sherlyn Dulay at Rica Parangan
Kuha nila John Maenard Gallema at Angelica Alliya Alquiroz