29/10/2025
Isang magandang balita ang hatid ni Alfonso, Cavite Mayor Randy Salamat para sa kanyang mga kababayang Alfonseño! Ipinababatid ng alkalde na 50% na lamang ang babayarang business tax ng mga sari-sari store owners sa kanilang bayan.
“GOOD NEWS po sa ating mga SARI-SARI STORE OWNERS! Sa 2027 pa naman po ito, pero excited na talaga akong ibalita sa inyo pagkatapos naming mag-usap ni Treas. Ma. Teresa Cruz. Dahil patuloy ang pag-unlad ng ating bayan, simula po 2027, kalahati o 50% na lang po ang babayaran sa business tax ng ating mga sari-sari stores dito sa Alfonso!” pahayag ni Mayor Salamat.
Dagdag pa ng alkalde:
“Ito po ay isang simpleng paraan ng pasasalamat ng Pamahalaang Bayan sa sipag at tiyaga ng ating mga MSMEs, at isang hakbang tungo sa mas magaan, mas progresibo, at mas business-friendly na Alfonso!”