01/09/2026
| Kaninang Umaga, Setyembre 1, 2026, sa ganap na ika-8 ng umaga, sinimulan ang Freshies Welcome Walk na pinangunahan ng mga Academic Organizations, na sinundan ng mga Cultural Organizations at ng Campus Publication upang salubungin ang mga bagong Iskolar ng Bayan.
Sinundan ito ng Flag Raising Ceremony at panalangin sa pangunguna ng PUP-AC Tinig-Is-Chorale.
Pagkatapos nito ay isinagawa ang mga panunumpa: ang Panunumpa sa Watawat ng Katapatan sa pangunguna ni Mr. Karl Jayden B. Fuentes at ang Panunumpa ng Lingkod Bayan sa pangunguna ni Mr. Kiel Lewis J. Hernando, Administrative Staff. Sa pangunguna naman ni Ms. Rua Bernadette L. Diones, Administrative Staff, ay taimtim na binigkas ang Paninindigan sa Patakaran ng Kalidad.
Mainit na pagsalubong at pagbati ang iginawad ni Assoc. Prof. Cherry E. Angeles, Campus Director, sa mga Iskolar ng Bayan gayundin sa mga kawani sa kaniyang pambungad na mensahe.
Sa pangunguna ni Ms. Genny Rose B. Cabitin, Chairperson ng Commission on Election, sinundan ang seremonya ng Oath Taking Ceremony ng mga Academic Organizations.
Sa pagtatapos ng seremonya, malugod itong isinara sa pamamagitan ng pag awit ng Himno ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng PUP-AC Tinig-Is-Chorale.
โ๏ธ: deyi
๐ท: sylvar, fyodor dos, & adri