18/11/2025
NEPPO HEADLINES: 10 ARESTADO SA NEPPO ANTI-CRIME OPS, DROGA AT BARIL KINUMPISKA
LALAKI SA RIZAL, ARESTADO SA SEARCH WARRANT; BARIL, BALA AT SHABU NASAMSAM
Arestado ang isang lalaki matapos na makumpiskahan ng baril, bala, at shabu sa ikinasang joint operation ng Rizal MPS at PIU-NEPPO bandang 2:20 AM ngayong Nobyembre 18, 2025. Isinilbi ng mga awtoridad ang Search Warrant sa Brgy. Poblacion East. Narekober sa loob ng bahay ang isang Homemade Cal .22 Revolver na may limang bala, dagdag na bala ng Cal .45 at 9mm, tatlong pakete ng shabu, at mga improvised tooter. Ang naarestong lalaki ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 at R.A. 9165.
LALAKI SA SCIENCE CITY OF MUÑOZ ARESTADO SA MANHUNT
Naaresto ng mga operatiba ng Science City of Muñoz Police Station, katuwang ang 4th FOB at 2nd PMFC-NEPPO, ang isang akusadong wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries sa Brgy. Palusapis bandang 10:00 AM noong Nobyembre 17, 2025. Kinilala ang naaresto bilang isang 26-anyos na lalaki mula rin sa nasabing barangay.
LALAKI SA PEÑARANDA NADAKIP SA KASONG PAGLABAG SA RA. 7610
Nadakip ng Intel/Warrant Operatives ng Peñaranda Police Station, ang isang 57-anyos na lalaki, sa Barangay Las Piñas bandang 2:30 PM noong Nobyembre 17, 2025. Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 10(A) ng R.A. 7610, na may inirerekomendang piyansang Php80,000.00.
WANTED SA QUALIFIED THEFT, NASILO SA ZARAGOZA
Arestado ang isang akusado sa kasong Qualified Theft matapos ikasa ng Zaragoza MPS, kasama ang 2nd MP Zaragoza, 1st PMFC at PIU-NEPPO, ang isang operasyon sa Brgy. Pantoc bandang 6:33 PM noong Nobyembre 17, 2025. Naaresto ang akusado sa bisa ng Bench Warrant of Arrest sa Qualified Theft, na may inirerekomendang piyansang Php40,000.00.
NAMPICUAN BUY-BUST: SUSPEK ARESTADO, SHABU NASAMSAM
Nahuli ng Nampicuan MPS SDEU, katuwang ang 2nd PMFC at 3rd FOB, ang isang 30-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. North Poblacion bandang 2:40 PM noong Nobyembre 17, 2025. Nakabili ang poseur buyer ng isang pakete ng shabu kapalit ng Php500.00 marked money. Sa protective search, narekober pa ang tatlong karagdagang pakete ng shabu. Umabot sa 1.28 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang droga na DDB value na Php8,704.00.
BABAE ARESTADO, SHABU NASAMSAM SA PEÑARANDA BUY-BUST
Arestado ang isang 38-anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation ng Peñaranda MPS SDEU/Intel operatives sa Brgy. Sinasajan bandang 11:50 PM noong Nobyembre 17, 2025. Nakabili ang poseur buyer ng isang pakete ng shabu, habang dalawang pakete pa ang nakumpiska sa suspek sa protective search. Umabot sa 0.7 gramo ang kabuuang timbang ng droga, na may DDB value na Php4,760.00. Nasamsam din ang Php500.00 marked money.
3 TIMBOG SA GAPAN BUY-BUST; SHABU NAKUMPISKA
Tatlong indibidwal ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Gapan CPS Intel/DET operatives, katuwang ang PPDEU-NEPPO, sa Brgy. San Nicolas bandang 12:32 AM ngayong Nobyembre 18, 2025. Nakabili ang poseur buyer ng isang pakete ng shabu mula sa tatlong personalidad na pinaniniwalaang nagsabwatan sa pagbebenta ng ilegal na droga. Sa isinagawang body search, nasamsam pa mula sa kanila ang kabuuang anim (6) na pakete ng shabu at ang ginamit na Php500.00 marked money. Umabot sa 2.20 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang droga, na may DDB value na Php14,960.00.
SAN ISIDRO BUY-BUST: LALAKI TIMBOG, SHABU NASAMSAM
Naaresto ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng San Isidro MPS Drug Enforcement Team sa Brgy. Alua bandang 4:30 AM noong Nobyembre 18, 2025. Nakabili ang poseur buyer ng isang pakete ng shabu mula sa suspek. Sa body search, nasamsam pa ang dalawang karagdagang pakete ng shabu at ang ginamit na Php500.00 marked money. Umabot sa 0.40 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang droga na may DDB value na Php2,720.00.
:SerbisyongMabilis,TapatAtNararamdaman