25/11/2025
"MGA MALING AKALA NG MGA TAO SA IGLESIA NI CRISTO"
May mga tao na matagal nang Galit sa mga Iglesia ni Cristo, pero Minsan kapag naitatanong Namin kung bakit Sila nagagalit ay Hindi Naman derektang maipaliwanag at masabi Ang dahilan, may iba Naman na walang dahilan Basta sa Hindi Malaman na dahilan Sila nagagalit, ngunit karamihan ay dahil sa Maling husga at maling pagkaunawa Bunga Ng Hindi pagsusuri o nakinig lamang sa mga usap-usapan na Wala namang tinatanong sa mga mismong kaanib.
Sa tagal kung naging Iglesia ni Cristo ito Ang mga kadalasang maling pagkakilala sa Iglesia ni Cristo:
1. Bakit si Cristo Tao lang samantalang ANGHEL si Kapatid na Felix Manalo.
2. Sunod-sunuran sa Leader at walang sariling Desisyon o Pagpapasya.
3. Sumasamba Sa TAO
4. Kulto raw Ang IGLESIA NI CRISTO
5. Naninigarilyo raw Ang mga kaanib kaya Hindi sa Diyos Ang Samahan.
6. IGLESIA NI MANALO raw Ang totoong pangalan Ng Relihiyon Ng mga INC at Hindi raw ito Kay Cristo.
Ang totoo marami pa ngunit ito Ang kadalasang ipinupukol Ng mga taong Hindi alam o Hindi nagsuri Ng personal sa Iglesia at naniwala lang sa mga Sabisabi, kwento kwento, at paninira sa Iglesia.. Ngayon.. ano ba talaga Ang totoo? Isa Isa nating sagutin Ang mga "paratang".
1. Totoo bang Mababa Ang pagkakilala Namin Kay Cristo? Dahil Siya raw ay TAO lang? At si Kapatid na Felix Manalo ay ANGHEL?
Sagot: Una Ang totoo si Cristo sa INC ay Hindi "TAO LANG" Siya ay TOTOONG TAO pero Hindi "TAO LANG" O "TAO LAMANG"
Paano ba nilalang Ng Diyos si Cristo paano ba Siya nilikha Ng Diyos?
Mateo 1:18-25
(Magandang Balita Biblia)
" Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo."
May Apat na Uri Ng paglalang Ang Diyos sa tao, una sa pamamagitan Ng Alabok, Yun Ang unang tao si Adan. Ang pangalawa Naman ay sa Pamamagitan Ng pagkuha Ng Tadyang Ng Lalake, at Yun ang naging unang babae si Eva. At Ang pangatlong paglalang Ng tao ay sa Pamamagitan Ng Espiritu Santo, Yun ang nangyare sa Panginoong Jesucristo, at Ang Pang Apat ay sa Pamamagitan Ng Pagtatalik.
Si Cristo ay Hindi Bunga Ng Pagtatalik kundi Bunga Ng kapangyarihan Ng Diyos. Kaya napaka espesyal ni Cristo sa ating lahat, ngunit kahit na ganoon Ang pagka lalang sa kanya ay ayon sa Biblia TAO padin Ang kanyang likas na kalagayan. Pero Hindi Siya Basta tao lamang sapagkat Ang pagka lalang sa kanya ay espesyal, Katunayan iginawad sa kanya Ng Diyos Ang Pagiging Pangulo Ng Iglesia at Ginawa siyang Panginoon.
Kaya Hindi mababa Ang tingin Ng mga INC Kay Cristo Katunayan PANGALAN NIYA Ang naka Lagay sa Iglesia na Siya ang mayari Ng katawan.
Mataas ba si Cristo Kay Kapatid na Felix Manalo? Opo sobrang layo Po Ng titulo ni Cristo Kay Kapatid na Felix Manalo, pero bakit ANGHEL Ang Turing sa kanya Ng mga INC?
Una, Ang word na ANGHEL O ANGEL ay Hindi Isang kalagayan kundi tungkulin, at Ang tungkulin ay gampanin Ng Isang tagapag silbi. Kaya iba si Kapatid na Felix Manalo Kay Cristo, si Cristo bagamat tinuturing Niya na Siya ay Sugo Ng Diyos o ALIPIN Ng Diyos itinaas Siya Ng Diyos sa kanyang kanang trono, Hindi tulad Ng Kapatid na Felix Manalo na Isang Mensahero o Sugo Ng Diyos sa Mga Huling Araw... Hindi Po mataas Ang WORD NA ANGHEL SA TITULO NI CRISTO NA PANGINOON. Sapagkat Ang Salitang ANGHEL ay Isang gampanin Hindi titulo.
Kaya Mali Ang unawa Ng mga tao na bakit daw si Cristo ay tao samantalang si Kapatid na Felix Manalo ay ANGHEL.. parehas Po Silang Nasa kalagayan Tao ngunit si Cristo ay espesyal sa pagkaka lalang. At mataas Po Ng sobra si Cristo sa Kapatid na Felix Y. Manalo.
2. Ang IGLESIA NI CRISTO raw ay mga sunod sunuran sa mga leader at walang sariling desisyon sa Buhay, sa makatuwid Uto-uto.
Totoo kaya na kapag sunod sunuran sa Leader o tagapanguna ay mga walang desisyon sa Buhay? O uto-uto?
Hebreo 13:17(SND)
"Sundin ninyo ang mga NANGANGASIWA sa inyo at MAGPASAKOP kayo sa kanilang PAMAMAHALA, sapagkat iniingatan nilang patuloy ang inyong mga kaluluwa bilang mga magbibigay sulit para sa inyo. SUNDIN ninyo sila upang magawa nila itong may kagalakan at hindi nang may kahapisan, sapagkat ito ay hindi magiging kapakipakinabang sa inyo."
Bakit kailangan sumunod Ng mga LINGKOD sa mga namumuno o namamahala? Sino ba Ang nag lalagay Ng mga Leader sa kanyang bayan?
Deuteronomio 1:13
"Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking PANTAS, at NAKAKAALAM, at KILALA ayon sa inyong mga lipi, at sila'y aking gagawing PANGULO sa inyo."
Kanino tumatangap Ng karapatan at Kapangyarihan Ang mga nilagay na leader sa Bayan Ng Diyos?
Mga Taga-Roma 13:1
"Ang bawa't kaluluwa ay PASAKOP sa MATATAAS na KAPANGYARIHAN: sapagka't walang kapangyarihan na hindi MULA sa Dios; at ang mga KAPANGYARIHAN yao'y HINIRANG ng Dios."
kaya ano man Ang pasya Ng mga Leader sa Iglesia ay sinusunod talaga Ng mga kaanib sapagkat itinuturo talaga sa Biblia na MAGPASAKOP sa Leader na inilagay sa kanyang bayan o Iglesia.
Ang pag sunod ba sa Lider ay pag sikil sa karapatan Ng Isang tao upang magpasya Ng Malaya? Kapag ba Ikaw ay MAGPASAKOP sa Kapangyarihan Hindi kana itinuturing na Malaya?
1Pedro 5:5-6
"At kayo namang mga KABATAAN, PASAKOP kayo sa matatandang PINUNO ng IGLESIA. At kayong lahat ay MAGPAKUMBABA sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.” Kaya nga, pasakop kayo sa KAPANGYARIHAN ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon."
ang pag sunod sa tagapanguna ay Hindi Isang uto-uto na pagsikil sa karapatan, tandaan Tayo ay mga ALIPIN Ng Diyos, kung Tayo ay MAGPASAKOP hindi ito nangangahulugan Ng pagiging sunod-sunuran Lalo na kung Ang sinusunod natin ay utos Ng Diyos na MAGPASAKOP, sapagkat lahat Ng Pamamahala ay Diyos Ang naglagay, mapa botohan manyan o bagay na pinagpasyahan Ng mga nangunguna.
3. Sumasamba raw Ang INC sa TAO dahil TAO Ang pagkilala natin Kay Cristo, kaya ipinapalagay nila na Sumasamba sa TAO Ang mga kaanib sa loob Ng IGLESIA NI CRISTO. Tama kaya ito?
Totoo bang sumasamba Ang INC sa TAO? Ano ba Ang sinasamba natin Kay Cristo? Yung pagiging TAO nya o Ang kanyang Pagiging PANGINOON na bigay Ng Diyos?
1Pedro 3:15(RTPV05)
"Igalang ninyo si CRISTO mula sa inyong puso at SAMBAHIN ninyo siya BILANG PANGINOON. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo."
Kaya kung sinasamba Namin si Cristo Hindi bilang TAO o Bilang Isang Diyos, kundi bilang Isang PANGINOON..
Magkaiba ba Ang Titulong PANGINOON Ng DIYOS sa Titulong PANGINOON ni Cristo? opo! Ang Pagiging PANGINOON ni Cristo ay bigay Ng Diyos, subalit Ang Pagiging PANGINOON Naman Ng Diyos ay walang nag bigay. At iba ang PANGINOON sa DIYOS sapagkat Ang PANGINOON ay maaaring ikapit sa tao ngunit Ang Diyos ay Hindi maaaring ikapit sa tao.
At Ang PANGINOON ni Cristo ay higit sa Panginoon na ginagamit sa Lupa sapagkat Diyos Ang nagbigay Mismo Ng Authority Kay Cristo.
Gawa 2:36
"Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA ng Dios na PANGINOON at Cristo itong si JESUS na inyong ipinako sa krus."
Kaya Hindi totoo na Sumasamba Ang INC sa TAO kundi sumasamba Ang INC sa Isang Diyos Ang Ama, at sa Pagiging Panginoon ni Cristo.
4. Ang IGLESIA NI CRISTO daw ay kultong Relihiyon..
Ano ba Ang ibig Sabihin Ng Salitang Kulto?
Ayon sa Website na Got Questions ito Ang sipi:
"Ang tamang kahulugan ng KULTO ay “isang grupo ng relihiyon na hindi TINATANGAP ang isa o higit pang mga PANGUNAHING KATURUAN ng Bibliya.” Sa isang simpleng terminolohiya, ang isang kulto ay nagtuturo ng isa o ilang katuruan na nagpapanatili sa tao sa kapahamakan. "
(https://www.gotquestions.org/Tagalog/kahulugan-kulto.html)
Ibig sabih Ang Isang kultong Relihiyon ay mga grupo na Hindi naniniwala sa mga PANGUNAHING Aral Ng Diyos, Isa sa mga ito ay Ang Relihiyong SATANISTA ngunit Sila lang ba Ang Hindi sumusunod sa Aral Ng Diyos? Anong Relihiyon Ang tahasang lumalabag sa PANGUNAHING Aral Ng Diyos?
Exodo 20:4
“HUWAG kang gagawa ng IMAHEN ng anumang nilalang na NASA LANGIT, nasa lupa, o nasa tubig upang SAMBAHIN."
Ano pa?
1 Timoteo 4:1 & 3
Ang Dating Biblia (1905)
"Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga DEMONIO...."
"Na IPINAGBABAWAL ang PAGAASAWA, at IPINAGUUTOS na lumayo sa mga LAMANGKATI,(Karne) na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan."
kung mayroon Mang maaaring tawaging Kulto ay Hindi Ang IGLESIA NI CRISTO kundi Yung mga Hindi sumunod sa mga PANGUNAHING Aral Ng Diyos, Ang SAMBAHIN Siya sa Espiritu at Hindi sa mga Emahen, at imbis na sumunod sa Diyos ay Ang sinunod nila Ang mga Aral Ng demonyo tulad Ng pagbabawal sa pag Aasawa at pagbabawal Kumain Ng Karne, may Relihiyon bang ganyan? Kung ganun Sila ang Nasa kultong Relihiyon.
5. Hindi raw Maliligtas Ang mga taong NANINIGARILYO, katunayang Hindi totoong sa Diyos Ang IGLESIA NI CRISTO.
Una, utos ba sa INC o Doktrina ba sa IGLESIA NI CRISTO Ang manigarilyo?
Ang Foundamental Doctrine Ng INC ay nahahanay sa 25-26 Lessons, at lahat iyon ay Nasa Biblia, tulad Ng Pagsamba sa Iisang Diyos, Pagsampalataya sa Biblia bilang salita Ng Diyos, Pagsunod sa Pamamahala Ng Diyos, Pagiibigang Magkakapatid, at marami pang Aral pang kaligtasan at Wala roon Ang turo patungkol sa Sigarilyo.
Kasi kung may turo sa INC mabuti ang Sigarilyo edi sana lahat Ng kaanib naninigarilyo Bata man o matanda, babae man na Bata at matanda ubligado manigarilyo dahil doktrina, Hindi ba?
Pero alang alang sa Salita Ng Diyos alamin natin ano ba Ang "mortal sin" o Kasalanan na magagawa Ng tao na maaari niyang ikapahamak?
1Juan 3:4
"Ang sinomang GUMAGAWA ng KASALANAN ay SUMASALANGSANG din naman sa KAUTUSAN: at ang KASALANAN ay ang PAGSALANGSANG sa KAUTUSAN."
ang tao ay itinuturing Ng Diyos na nakagawa Ng Kasalanan sa Pamamagitan Ng Hindi Pagsunod sa KAUTUSAN.. Ang paninigarilyo lamang ba Ang maaaring makasira Ng katawan? Alamin natin kung ano Anong bagay Ang maaaring makasira Ng ating mga katawang laman?
Ayon sa Website na SCRIBD ito Ang Sabi:
Mga Hindi Dapat Kainin
Ang dokumento ay naglalarawan ng iba't ibang pagkain na dapat iwasan dahil ito ay masama sa kalusugan. Kabilang dito ang soft drinks, French fries, matatabang sarsa, junk food, hilaw na karne, street food, instant noodles at iba pa. Binigyang diin na ang mga ito ay maaaring magdulot ng iba't ibang sakit gaya ng diabetes, mataas na kolesterol, kanser, at iba pa. Hinikayat ang pagkain ng mas masustansyang pagkain para sa isang malusog na katawan at isip.
(https://www.scribd.com/doc/295966267/Mga-Hindi-Dapat-Kainin)
Sa makatuwid Hindi lang Pala Ang paninigarilyo Ang masama sa katawan, eh bakit Sigarilyo lang Ang ginagawang HIGHLIGHTS Ng mga tao na maka Diyos daw, na Ang paninigarilyo ay Hindi Gawain Ng Cristiano dahil nakasasama daw sa kalusugan at sinisira nito Ang templo Ng Diyos, pero kumakain Naman Ng mga pagkaing masama sa kalusugan Ng tao..
Isipin mo Kaibigan, Hindi ka nga naninigarilyo pero kumakain ka Naman Ng mga pagkaing nakasasama sa kalusugan may pinagkaiba kaba sa taong naninigarilyo? Eh baka ikatwiran, eh pagkain Yun eh, iba Naman Ang Sigarilyo..
Ibig bang Sabihin dahil pagkain kahit masama sa kalusugan ok lang? Cristiano ka padin? Pero pag Sigarilyo Hindi kana Cristianong totoo? Tawag diyan Ng Biblia ay MAPAGPAIMBABAW.
Mateo 7:5
"Ikaw na MAPAGPAIMBABAW,, ALISIN MO MUNA ang TAHILAN sa iyong sariling MATA; at kung magkagayo'y makikita mong MALINAW ang pag-aalis mo ng PUWING sa mata ng iyong kapatid"
may sinabi ba Ang IGLESIA NI CRISTO na mabuti Ang paninigarilyo? Sa bawat pagsamba ay itinuturo Ang mga ito:
Gawa 20:28 "INGATAN NINYO ANG INYONG MGA SARILI..."
Hindi ito simpleng verse sa Iglesia ito ay malawak na kahulugan para sa INC, dahil Kasama dito Ang pag iingat sa kalusugan.. sapagkat kung Ikaw ay magkasakit ano Ang iyong nagagawa?
Awit 41:4
"Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: PAGALINGIN MO ang aking KATAWAN; sapagka't ako'y NAGKASALA laban sa iyo"
Ibig Sabihin Ang pagkakasakit Bunga Ng Kasalanan, at kung Ikaw ay mamatay dahil sa pagpapabaya sa sarili ito ay ibinibilang na kasalanan.. dahil Ang kasalanan ay PAGSALANGSANG sa KAUTUSAN, at Ang KAUTUSAN o Salita Ng Diyos na nalalabag mo kapag Ikaw ay magkasakit ay Ang utos Ng Diyos na INGATAN Ang Sarili.
Gawa 20:28
“INGATAN ninyo kung gayon ang inyong mga SARILI at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”
Kaya Hindi lang Sigarilyo Ang maaaring maging dahilan Ng Kasalanan maging mga bagay na nakakasama sa kalusugan Ng tao, PAGPUPUYAT, PAGKAIN NG MGA MAALAT at maging Ang Hindi pag EEHERSISYO ay maaaring maging dahilan para Ang tao ay magkasakit at maging kasalanan ito sa kanya dahil sa kapabayaan at pag abuso sa katawan.
Ngayon kung may nakikitang naninigarilyo sa mga kaanib sa Iglesia ay Hindi ibig Sabihin ay Hindi na sa Diyos Ang Isang Relihiyon, ito ay Hindi doktrina ngunit ito ay Hindi rin itinuturo na Isang mabuti, kung Ang Isang tao ay naninigarilyo, kumakain Ng pagkaing nakasasama sa tao, Sa tao na Ang responsibilidad, kung ito Ang magiging dahilan Ng kanyang pagkakasakit, Dyan na pumapasok Ang doktrina na Ang pagpapabaya sa sarili ay Kasalanan sa Diyos.
Saka palamang ito ituturing na kasalanan kung Ang Isang tao ay sumalangsang na sa KAUTUSAN.
Eh paano Ang Droga at Alak ? Hindi ba ito Kasama sa kasalanan?
Kung Ang Isang subsyansya ay labag Batas Ng BANSA, ito ay itinuturing na kasalanan din sa Diyos, at kung ito Naman ay Hindi kasalanan sa Batas ngunit labag sa batas Ng Diyos ito ay Kasalanan. tulad Ng Droga, walang mababasa sa Biblia na word na "Droga" pero Labag sa Batas Ng BANSA, ang PAMAMAHALA na Ng Iglesia Ang magpapasya ayon sa Aral Ng Biblia kung ito ay Kasalanan .. at alam natin na Ang Pasya Ng Iglesia ni Cristo Ang Droga ay Labag sa utos Ng Diyos kahit Hindi mababasa Ang word na Drugs na Biblia,, dahil ito ay nakasasama sa Kalusugan at Pagiisip Ng Tao.
About Naman sa Alak, ligal sa Gobyerno ngunit Labag sa Diyos, Ang masusunod Batas Ng Diyos, ganun lang ka simple din Ang Sigarilyo, Hindi labag sa Gobyerno at walang mababasa na labag sa batas Ng Diyos Ang Sigarilyo dahil Wala Naman mababasang Sigarilyo sa Biblia, kaya Ang Pasya ay Nasa Leader Ng Iglesia, at Ang doktrina INGATAN Ang Sarili, kapag Hindi naingatan Ng kaanib Ang katawan at maabuso Ang katawan sa Sigarilyo o kahit sa mga pagkain, at magbunga Ng pagkakasakit Ang masama pa ay ito pa Ang ikamatay Niya doon na Siya papasok sa kasalanan.. Ang PAGSALANGSANG sa KAUTUSAN.
Kaya Sa Iglesia ni Cristo Hindi doktrina Ang pagbabawal sa Sigarilyo, ito ay katulad din Ng Mga Pagkaing maaaring makasama sa TAO, Ang doktrina sa mga Kaanib ay INGATAN Ang Sarili at Buhay, dahil kung Ikaw ay magkaroon Ng Sakit dahil sa labis na pag abuso sa katawan, doon na papasok Ang Kasalanan sapagkat Hindi naingatan Ang Sarili. Tandaan Ang utos Ng Diyos INGATAN Ang Sarili kapag nilabag mo Ang utos Ng Diyos katumbas PAGSALANGSANG sa KAUTUSAN at Ang pag salangsang sa KAUTUSAN ay Kasalanan.
6. Ang IGLESIA NI CRISTO ay IGLESIA Ng mga MANALO..
Ang Lahat Ng Relihiyon ay maysarisariling pangalan upang mauri Ang mga kaanib, Isa sa mga paratang ay kung Ang IGLESIA ni Cristo ay totoong Kay Cristo bakit puro MANALO Ang lider at walang nahahalal na iBang angkan?
Una, kung susuriin mong mabuti, Ang pangkaraniwang nagtatanong nyan ay mga Nasa labas Ng Iglesia o Hindi kaanib. Bakit natin kikwestyunin Ang paraan o proseso Ng paghahalal Ng Isang Relihiyon na Hindi Naman Tayo kaanib? Pero para sa Salita Ng Diyos masama ba na Ang nahahalal ay galing sa Iisang pamilya lamang? Paano ba pumipili Ang IGLESIA Ng susunod na mangunguna sa Bayan Ng Diyos?
Exodo 18:21(BST)
"Maliban dito ay Pumili kayo sa bayan Ng Diyos ng mga taong HINDI BAGUHAN, kundi MATATAKUTIN sa DIOS, nang isang taong MAYPATOTOO, at lumalayo sa kasalanan; at siyang ilagay mo sa kanila, na maging pinuno sa mga libo-libo, sa Daan-daan, maging pinuno sa mga kakaunti, at maging tagapanguna sa marami.
Ang uri Ng paghahalal sa Iglesia Ng magiging Lider ay sa Pamamagitan Ng pag boto, at dahil sa itinuturing na Mahalaga Ang angkan Ng Sugo at Ng Pamamahala ay udyok Ng Espiritu Santo nagkakapalad Ang mga anak Ng Pamamahala ngunit idinadaan ito sa Isang botohan.
Eh bakit Isang angkan lamang Ang nahahalal?
Mangangaral 10:17
"Mapalad ka, Oh Bayan Ng Diyos, kung ang iyong PANGULO ay ANAK ng mga MAHAHALAGANG TAO, at ang iyong mga namumuno ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!"
Sino ba Ang kinikilalang MAHAHALAGANG TAO sa Iglesia ni Cristo? Maliban sa Panginoong Jesucristo Wala nang iba kundi Ang Sugo at Ang PAMAMAHALA.. kaya kung pumipili man Ng Lider na angkan Ng Pamamahala walang nalalabag na Aral Ng Diyos sapagkat Ang nahahalal ay Diyos Ang may kinalaman at nagpapahintulot.
Upang maingatan at lubos na Mahalin Ang IGLESIA ay dapat Ang magiging Lider ay Malawak Ang Karanasan at Maymalalim na ugnayan sa Diyos, tulad ni David at ni Cristo na Nasa Isang angkan lamang.
Kaya Hindi IGLESIA Ng mga MANALO Ang INC, dahil Ito ay Iglesia na Ang pumipili Ng Lider Hindi lamang Ang mga tao sa Iglesia kundi sinasamahan Ng basbas Ng Diyos, at lahat Ng Lider sa bayan Ng Diyos ay ginagabayan Ng Espiritu Santo.
Sa ibat-ibang paratang Ng mga Tao sa IGLESIA na kung minsan Bunga Ng Galit, ay iginganti sa mga Kapatid sa Iglesia ay mga Panguusig at mga pagsasalita Ng mga MASASAMA, para bagang Ang pangalang IGLESIA NI CRISTO ay Isang nakakahawang sakit sa mga tagasanlibutan, gumagawa Ng ibat ibang haka at pinaparatangan Ng ibat-ibang Aral na Hindi Naman Aral Ng mga Iglesia ni Cristo.
Kung Isa ka sa mga tao na iyon, sana ay personal Kang mag Suri sa Iglesia upang Malaman mo Ang KATOTOHANAN, Hindi rarami Ang mga kaanib sa Iglesia kung puro Mali at labag sa Diyos Ang itinataguyod na Aral, karamihan dito mga propesiyonal na tao, Artista, abigado,lingkod bayan, estudyante, doktor,bombero,Pulis, at iba pa.. lahat Sila papayag ba na Ang sasamahan nilang Relihiyon ay Nasa maling Aral o Hindi Aral Ng Diyos? Lahat Sila umalis sa dating pananampalataya, at iminulat Ng Diyos Ang KANILANG isipan upang sila din ay magtamo Ng Buhay na walang Hanggan.
Personal kang magsuri at huwag lamang sa mga haka-haka at paninira na iyong nakikita sa social media, sana ay kaawaan Tayo Ng Diyos at magkita sa totoong bayan Niya at sa totoong Aral, Aral sa Mga Tunay na Cristiano.
-Mga Tunay na Cristiano.