30/04/2025
Kalmado
Umalog ang eroplano dahil may turbulence. Nagpanic ang mga pasahero at meron pang sumigaw. "Have mercy!" Nagsalita ang kapitan sa napakalamig, kalmado at napakalumanay na tinig...
"This is your Captain speaking" .
"We're encountering some turbulence. Please ensure your seatbelts are fastened and remain seated. We'll try to minimize the impact as best as possible. This is normal, and the plane is safe."
Kumalma ang mga pasahero dahil sa kalmadong salita ng kapitan at tumigil ang pag-alog. Pagkatapos ng ilang saglit, umalog na naman. At nagsigawan ulit ang mga tao. "We're gonna d_e!!!" Nagsalita ulit ang kapitan sa napakalamig, napakakalmado at napakalumanay na tinig...
"Ladies and gentlemen, keep your seatbelts fastened. We are flying through a turbulent area. For your own safety, we kindly request you to keep your seatbelts fastened. We are already making all necessary deviations to provide you with a pleasant and comfortable flight.”
Kumalma ulit ang mga pasahero dahil sa kalmadong salita ng kapitan at tumigil ang pag-alog. Pagkatapos ng ilang saglit, umalog na naman. At nagsigawan ulit ang mga tao. "We're gonna di_!!!" "Have mercy!!!" Nagsalita ulit ang kapitan sa napakalamig, napakakalmado at napakalumanay na tinig...
"Ladies and gentlemen, keep your seatbelts fastened. Sit back, relax and follow after me. Our father in heaven..."
😂🤣😂