03/08/2025
SA Isang Iglap,
Parang Lindol,na HumahalagPak
Dalawang Buhay,Ang Nawla,
NGunit ,itoy Isang BABALA
parin , 🩷 sa mga Kapwa natin na bubuhay,
Palagi natin isipin
Ang Buhay ai ,Iisa lang,LAHAT
TAYO may oras at wlang NAKAKA Alam
Kong kailan ,o Hanggang Saan Ang ating BUHAY,
KAYA hanggat Maaga pa o May pagkakataon
Tayong HUMINGI,
NG kapatasaran, sa BAWAT Pagkasala natin,
Gawin na natin sa oras ,oras🩷🙏🏻
👇🏻👇🏻👇🏻👇🏻
Update‼️ INTERVIEW SA LOLA ng nasawing si Jonalyn Oliva sa aksidente ng motorsiklo sa palpalan, Pagadian City‼️
Isang mabait na apo kung ilarawan ni Lola si Jonalyn na 17 anyos. Nagsasaing daw ito bago pumasok ng eskwelahan at ito rin ang binabaon niya. Tuwing uuwi mula eskwelahan ay kaldero daw agad ang binubuksan ng dalagita dahil nagugutom na daw ito.
Ngunit nang araw na yun, ang itinabing pansit bihon ni Lola ay hindi na nakain ni Jonalyn. Dahil nabalitaan niya mula sa kapatid ni Jonalyn na naaksidente na pala ang kaniyang bunsong apo.
Nagtaka din daw ang Lola bakit nangyari ang aksidente sa kabilang barangay dahil ang alam niya ay nasa paaralan si Jonalyn. Lingid sa kaniyang kaalaman ay nagkayayaan palang gumala ang apo kasama ang iba pa niyang kaibigan dahil opening ng Buwan ng Wika sa eskwelahan at wala silang klase nang araw na yun.
Bagama't hiwalay na ang mga magulang ni Jonalyn, sila ay nakasubaybay sa kanilang mga anak kahit na sila ay parehong OFW.
Ang ama ni Jonalyn ay nasa Brunei at ang ina naman nya ay sa Kuwait. Alam na ng kaniyang mga magulang ang nangyari kay Jonalyn at ang ina ay nag-aasikaso na ng kaniyang papeles upang makauwi agad sa bansa.🥲
Ayon sa ama ni Jonalyn, tila sa tuwing uwi niya ay may patay sa pamilya. Ang panganay kasi nila ay una nang namatay sa hindi binanggit na dahilan.
Si Jonalyn ang bunso sa magkakapatid..
Source: Radyo Bagting News