13/01/2025
THNS Journalist Handa sa Nalalapit na DSPC
Nagsagawa ang Tabunan National High School ng Campus-based Training para sa mga estudyanteng mamamahayag nitong Enero 10-12 para sa nalalapit na Division School Press Conference 2025
Araw ng Biyernes ng simulant ang pagsasanay sa pangunguna ni Mr. Henry T. Jarina, punong g**o ng Bilwang Elementary School, siya ay nag bigay ng oryentasyon sa kategoryang Science and Technology Writing, News at Feature Writing.
“Natutuwa ako na naimbitahan bilang tagapagsalita dito sa Tabunan National High School. Malaking karangalan para sa akin na maibahagi ang aking kaalaman at karanasan sa mga kabataan na may angking talento sa larangan ng pamamahayag. Sana’y magamit nila ang mga natutunan nila sa pagsasanay na ito upang maipamalas ang kanilang husay sa darating na kompetisyon,” ani ni Mr. Jarina.,” saad ni Mr. Jarina.
Sa ikalawa at ikatlong araw, nag imbita ang school paper adviser ng TNHS na si Ms. Micah Gayrama ng mga taga pag salita mula sa Biliran Province State University (BiPSU).
Pinangunahan ni Mr. Ralph Arvic T. Arcenal ang pagsasanay kasama sila MR. Jeson Vinas, Ms. Zeah Joyce Ignacio, Mr. Miguel Supremo Jr. at Mr. Gil Irinco, nagkaroon ng one on one training ang bawat mag-aaral kasama sila.
“Ngayong nalalapit na ang kompetisyon, nais kong sabihin sa inyo na dapat galingan ninyo at sigurado kaming kaya niyo yan, gawin niyo ang ang best ninyo,” saad ni Mr. Vinas.
Layunin ng Project ECHO na mabigyan ng sapat na paghahanda ang bawat kalahok sa bawat kategorya at maging mahusay para sa nalalapit na DSPC.