
23/07/2025
๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐; ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐
โ๏ธ: Danise Zussane S. Torres
Hulyo 23, 2025 โ Naglabas ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay ng patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng habagat sa ilang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas.
Ilan sa mga lugar sa Occidental Mindoro gaya ng Lubang, Looc, Paluan, Abra de Ilog, Mamburao, Santa Cruz, Sablayan, at Calintaan ay isinailalim sa ๐๐ฆ๐ฅ ๐๐ข๐ช๐ฏ๐ง๐ข๐ญ๐ญ ๐๐ข๐ณ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ, na nangangahulugan ng posibilidad ng malawakang pagbaha at landslide.
Sa lungsod ng Cadiz, sa kabila ng pagiging bahagi ng ๐ ๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฐ๐ธ ๐๐ข๐ช๐ฏ๐ง๐ข๐ญ๐ญ ๐๐ข๐ณ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ, wala pang naitatalang matinding pagbaha sa mga pangunahing barangay. Gayunman, kasalukuyan pa ring binabantayan ang mga flood-prone areas habang pinaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag sa mga anunsyo ng lokal na DRRMO.
Ayon sa ulat ng PAGASA, ang mga pag-ulang ito ay bunsod ng ๐ด๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ๐ธ๐ฆ๐ด๐ต ๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐ด๐ฐ๐ฐ๐ฏ o habagat na pinalalakas ng isang ๐ญ๐ฐ๐ธ ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด๐ถ๐ณ๐ฆ ๐ข๐ณ๐ฆ๐ข sa labas ng Philippine Area of Responsibility. Mas matindi ang epekto ng habagat sa mga probinsya ng Occidental Mindoro, partikular sa Lubang, Looc, Paluan, Mamburao, at Sablayan.
Sa mga lugar na may ๐๐ฆ๐ฅ ๐๐ข๐ณ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ, inaasahan ang posibleng pagbaha sa mabababang lugar at mga pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi. Samantala, ang mga lugar gaya ng Cadiz City ay nananatili pa sa mahinang antas ng pag-ulan ngunit patuloy pa rin ang pagbabantay upang maagapan ang anumang emergency.
Hinimok ng mga lokal na awtoridad ang publiko na manatiling naka-monitor sa opisyal na impormasyon at agad na ireport ang mga insidente ng pagbaha o landslide sa kanilang barangay upang maagapan ang panganib.
๐๐ข ๐จ๐ช๐ต๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ข๐ต, ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐บ๐ฐโ๐บ ๐ญ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ถ๐ฃ๐ข๐บ๐ฃ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข, ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ด๐ช๐ฅ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ญ๐ช๐จ๐ช๐ฅ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ช๐ธ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ญ๐ช๐จ๐ณ๐ฐ.
โ
Mga Sanggunian:
https://www.gmanetwork.com/regionaltv/news/109274/heavy-rainfall-warning-up-over-mimaropa-western-visayas-areas/story/
https://www.facebook.com/PAGASA.DOST.GOV.PH
https://mb.com.ph/2025/7/23/pagasa-issues-heavy-rainfall-warnings-over-mimaropa-western-visayas
๐ผ๏ธ | Sean Uriel Rosal at Samantha Ortiaga