29/09/2026
Bakit nga ba hindi sakitin ang breastfed babies? 🤔
Totoo talaga na mas matibay ang resistensya ng mga baby na nakakainom ng breastmilk, and no, hindi lang ito sabi-sabi ng matatanda. Science process ito ng katawan natin!
Here’s why breastmilk is literally a baby’s first vaccine:
🥛 Full of Antibodies (Lalo na ang Colostrum!)
Yung unang dilaw at malapot na gatas? That’s pure gold. Loaded 'yan ng IgA (Immunoglobulin A) na nagsisilbing shield sa tiyan, lalamunan, at respiratory system ni baby para hindi basta-basta makapasok ang germs.
🧠 May Sariling "Smart System"
Ito ang miracle part—kapag na-expose ka o si baby sa ubo, sipon, o viral infection, matmatic na magcre-create ang katawan mo ng specific antibodies against that germ at ipapasa mo agad sa gatas! It’s adaptive protection in real-time.
🦠 Happy Gut = Stronger Immunity
May tinatawag na HMOs (Human Milk Oligosaccharides) ang breastmilk. Ito yung pagkain ng "good bacteria" sa tiyan ni baby. Since malaking bahagi ng immune system natin ay nasa bituka, protected sila sa diarrhea at indigestion.
🧬 Living Cells
Did you know na may buhay na white blood cells din sa breastmilk? Sila mismo ang lumalaban sa mga mikrobyo sa loob ng katawan ni baby.
Kaya kung napapansin mong mas matibay laban sa sakit o mabilis gumaling si baby kapag breastfed, now you know why! It’s tailored specifically for them by our own bodies.