CHS Lights

CHS Lights Official School Publication Website of Cadaloria High School

βœ¨πŸ† TALENTO, TIYAGA, AT TAGUMPAYβ€”CADALORIA, MULING UMARIBA! πŸ†βœ¨Isang makulay at kahanga-hangang tagumpay ang hatid ng mga ...
20/08/2026

βœ¨πŸ† TALENTO, TIYAGA, AT TAGUMPAYβ€”CADALORIA, MULING UMARIBA! πŸ†βœ¨

Isang makulay at kahanga-hangang tagumpay ang hatid ng mga kinatawan ng Cadaloria High School sa LD3 Festival of Talents 2026!

πŸ₯‡ SAVOR D’ FLAVOR – CHAMPION
Micah Jea Verzosa
Princess Sandy Manuel
Jhonrey Fontanilla
Coaches:
Regina Baysa
Joemar Baquiran
Christian Isip

πŸ₯ˆ BAKE CARES – 1ST RUNNER-UP
Emiel L. Liban
Colline Jade Paguyo
Kisha Bernardo
Coaches:
Mary Jane Matterig
Elyssa Jane Alejandro.

Taos-pusong pasasalamat kay Dr. Noralyn Heidi M. Bulan, Principal II, sa patuloy na suporta at paggabay, gayundin sa mga magulang, mga g**o, at sa lahat ng naging bahagi ng paghahanda at tagumpay ng ating mga mag-aaral. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, tiwala, at pagmamahal sa talento ng ating mga mag-aaral.

Isang paaralan. Isang puso. Maraming talento. Isang tagumpay na ipinagmamalaki ng buong Cadaloria!

ARYA CADALORIA!


’FLAVOR

20/08/2026
πŸ†πŸ”₯ SINAGTALA, ANIM  NA ULIT NG KAMPEON! πŸ”₯πŸ†Muling nagningning ang Cadaloria High School matapos tanghaling Kampeon sa Pin...
20/08/2026

πŸ†πŸ”₯ SINAGTALA, ANIM NA ULIT NG KAMPEON! πŸ”₯πŸ†

Muling nagningning ang Cadaloria High School matapos tanghaling Kampeon sa Pinasayaw sa LD3 Festival of Talents 2026, na ginanap ngayong Agosto 20, 2026 sa La Paz National HS, Cabatuan, Isabela. Sa bawat kumpas, hakbang at indak ng ating Sinagtala Dancers, muling ipinamalas ang pambihirang talento, husay, disiplina, pagkakaisa at pusong handang magbigay ng karangalan. Kasama sa matinding laban ang Raniag National High School at Cabatuan National High School na kapwa nagpakita rin ng kahanga-hangang talento at husay sa entablado. Sa kabila ng mabigat na kompetisyon, nanaig ang determinasyon at kahusayan ng Sinagtala, dahilan upang muling maiuwi ng Cadaloria ang kampeonatoβ€”ika-anim na pagkakataon na itong nasungkit ang pinakamataas na parangal sa LD3 Festival of Talents!

Sa pangunguna ng ating butihing Punong-g**o- II Dr. Noralyn Heidi M. Bulan, at sa walang sawang paggabay ng ating mga tagapagsanay na sina Sir Keneth Loyd R. Cristobal at Ma’am Marisol B. Baterbonia patuloy na hinuhubog ang Sinagtala tungo sa higit pang tagumpay. Taos-puso rin ang pasasalamat sa mga magulang, stakeholders at buong pamunuan ng Cadaloria sa walang sawang suporta, tiwala at pagmamahal. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng mga mananayawβ€”tagumpay ito ng buong Cadaloria!

Anim na ulit nang nagningning. Anim na ulit nang nagkampeon. At sa bawat indak, patuloy ang husay at dangal ng CADALORIA!

πŸ”₯ MABUHAY ANG SINAGTALA DANCERS!
πŸ’™ MABUHAY ANG CADALORIA HIGH SCHOOL!
πŸ† ARYA, CADALORIA!




CADALORIA!

πŸ† ISANG KUWENTO, ISANG TAGUMPAY, ISANG DANGAL NG CADALORIA! πŸ†Muling nagningning ang pangalan ng CADALORIA HIGH SCHOOL sa...
20/08/2026

πŸ† ISANG KUWENTO, ISANG TAGUMPAY, ISANG DANGAL NG CADALORIA! πŸ†

Muling nagningning ang pangalan ng CADALORIA HIGH SCHOOL sa Municipal Festival of Talents – DOKYUWENTO, matapos makamit ang IKALAWANG GANTIMPALA ! Sa pamamagitan ng malikhaing pagsasalaysay at makabuluhang paglalahad, ipinamalas nina Hannah Kae Ricardo, Michaella Sarmiento, at Perenelle Vylette Tobias ang talento, dedikasyon, at husay na karapat-dapat ipagmalaki. Taos-pusong pagbati kay Gng. Jeny Rose D. Garcia, tagapagsanay, sa paggabay at pagtitiyaga, sa pangunguna ni Dr. Noralyn Heidi M. Bulan, Punong-g**o II.

ARYA CADALORIA!
Dahil sa Cadaloria, hindi lamang tayo gumagawa ng kuwentoβ€”tayo mismo ang sumusulat ng kasaysayan ng tagumpay!




πŸ†βœ¨ MUNICIPAL FESTIVAL OF TALENTS 2026 β€” (PINASAYAW ) SINAGTALA CHAMPION! ✨Muling nagningning ang CADALORIA HIGH SCHOOL s...
19/08/2026

πŸ†βœ¨ MUNICIPAL FESTIVAL OF TALENTS 2026 β€” (PINASAYAW ) SINAGTALA CHAMPION! ✨

Muling nagningning ang CADALORIA HIGH SCHOOL sa entablado sa pamamagitan ng ating SINAGTALA DANCERS, matapos tanghaling KAMPEON sa PINASAYAW na ginanap sa Angadanan National High School ngayong Agosto 19, 2026.

Sa bawat hakbang, kumpas at indak, ipinamalas ng Sinagtala Dancers ang talento, disiplina, tiyaga at pusong handang lumaban para sa karangalan. Ang kanilang tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsasanay at pagkakaisang tunay na kahanga-hanga sa pangunguna ng mga tagapagsanay na sina Sir Kenneth Loyd R. Cristobal at Mam Marisol B. Baterbonia
sa pamumuno ng ating Principal-II, Dr. Noralyn Heidi M. Bulan, patuloy na hinuhubog ang mga kabataang may talento upang maging mga huwaran ng husay at determinasyon.

πŸ† KAMPEON NGAYON, HANDA PARA SA SUSUNOD NA HAMON!

Bitbit ang tagumpay na ito, patuloy na hahakbang ang SINAGTALA DANCERS sa mas mataas na yugto ng kompetisyon.

Indak na may puso.
Galaw na may layunin.
Talento na may dangal.
SINAGTALA NA MULING NAGNINGNING! ✨

πŸ”₯ ARYA, CADALORIA! πŸ”₯
πŸ’™ MABUHAY ANG SINAGTALA DANCERS!
πŸ† MABUHAY ANG CADALORIA HIGH SCHOOL!



30/07/2026
πŸ“°βœ¨ TAGUMPAY NA NAGNINGNING ANG TALINO AT PANULAT NG MGA BATANG CADALORIAN! βœ¨πŸ“°Noong Hulyo 18, 2026, matagumpay na isinaga...
20/07/2026

πŸ“°βœ¨ TAGUMPAY NA NAGNINGNING ANG TALINO AT PANULAT NG MGA BATANG CADALORIAN! βœ¨πŸ“°

Noong Hulyo 18, 2026, matagumpay na isinagawa ng Cadaloria High School ang School-Based Press Conference 2026, isang taunang programa na naglalayong linangin ang kahusayan ng mga mag-aaral sa larangan ng campus journalism, kritikal na pag-iisip, at malikhaing pagsulat. Sa pamamagitan ng iba’t ibang kompetisyon, nabigyang pagkakataon ang mga batang mamamahayag na maipamalas ang kanilang talento, husay, at dedikasyon sa paghahatid ng makatotohanan at makabuluhang impormasyon.

Sa araw na ito, nagningning ang husay ng mga Cadalorian sa iba’t ibang kategorya tulad ng News Writing, Feature Writing, Sports Writing, Column Writing, Editorial Writing, Editorial Cartooning, Science and Health Writing, at Copy Editing and Headline Writing, na naging daan upang makilala ang mga natatanging mag-aaral na siyang kakatawan sa paaralan sa susunod na antas ng patimpalak.

πŸ… Mga Nagwagi sa Bawat Kategorya

πŸ“° News Writing (English)
πŸ₯‡ Ben Javer Marayag
πŸ₯ˆ Jairah Joy Agustin
πŸ₯‰ Yshan Vien Butac

πŸ“° News Writing (Filipino)
πŸ₯‡ Michaella Sarmiento
πŸ₯ˆ Valerie Andres
πŸ₯‰Ayesza Mich Lumaday

⚽ Sports Writing (English)
πŸ₯‡ Jairah Joy Agustin
πŸ₯ˆ Ellijah Wayne Tallod

⚽ Sports Writing (Filipino)
πŸ₯‡ Sheina Joy Atencio
πŸ₯ˆ Emiel Liban
πŸ₯‰ Zhian Claide Gaspar

✍️ Feature Writing (English)
πŸ₯‡ Ellijah Wayne Tallod
πŸ₯ˆ Jairah Joy Agustin
πŸ₯‰ Elyza Marie Yulo

✍️ Feature Writing (Filipino)
πŸ₯‡ Sheina Joy Atencio
πŸ₯ˆ Cristina Lourien Gaspar
πŸ₯‰ Sarah Rio Grande

πŸ–‹οΈ Column Writing (English)
πŸ₯‡ Ben Javer Marayag
πŸ₯ˆ Emiel Liban
πŸ₯‰ Risel Jude Arnafo

πŸ–‹οΈ Column Writing (Filipino)
πŸ₯‡ Shairalen Baptista
πŸ₯ˆ Cristina Rosheen Paunan
πŸ₯‰ Catherine Joy Castillo

πŸ“’ Editorial Writing (English)
πŸ₯‡ Risel Jude Arpafo
πŸ₯ˆ Ben Javer Marayag
πŸ₯‰ Nelcy Kim Dela Fuente

πŸ“’ Editorial Writing (Filipino)
πŸ₯‡ Ayesza Mich Lumaday
πŸ₯ˆ Risel Jude Arpafo
πŸ₯‰ Carla Rivera

🎨 Editorial Cartooning
English: πŸ₯‡ Ezrael Guyud
Filipino: πŸ₯‡ Bryanth Aaron Paunan

πŸ”¬ Science and Health Writing
English:
πŸ₯‡ Ellijah Wayne Tallod
πŸ₯ˆ Jairah Joy Agustin
πŸ₯‰ Risel Jude Arpafo

Filipino:
πŸ₯‡ Valerie Andres
πŸ₯ˆ Sheina Joy Atencio

πŸ“ Copy Editing and Headline Writing
English:
πŸ₯‡ Hannah Kae Ricardo
πŸ₯ˆ Ellijah Wayne Tallod
πŸ₯‰ Jairah Joy Agustin

Filipino:
πŸ₯‡ Zhian Claide Gaspar
πŸ₯ˆ Hannah Kae Ricardo
πŸ₯‰ Jhanna Pascual

Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nagwagi, kalahok, Language Teachers, at sa pamunuan ng Cadaloria High School na pinangungunahan ni Dr. Noralyn Heidi M. Bulan, P-II sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito.

Ang bawat panalo ay bunga ng sipag. Ang bawat panulat ay tinig ng katotohanan. Ang bawat Cadalorian ay handang sumulat, manguna, at magbigay-inspirasyon.

πŸ–‹οΈ Padayon, Batang Mamamahayag! ARYA Cadaloria!




πŸ† π•πˆπ‚π“πŽπ‘π˜, π”ππˆπ“π˜, 𝐀𝐍𝐃 π†π‹πŽπ‘π˜! π‚π€πƒπ€π‹πŽπ‘πˆπ€ π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ π’ππŽπ‘π“π’ 𝐅𝐄𝐒𝐓 πŸπŸŽπŸπŸ” Sa hudyat ng huling sipol, matagumpay na isinara ng ...
13/07/2026

πŸ† π•πˆπ‚π“πŽπ‘π˜, π”ππˆπ“π˜, 𝐀𝐍𝐃 π†π‹πŽπ‘π˜!
π‚π€πƒπ€π‹πŽπ‘πˆπ€ π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ π’ππŽπ‘π“π’ 𝐅𝐄𝐒𝐓 πŸπŸŽπŸπŸ”

Sa hudyat ng huling sipol, matagumpay na isinara ng Cadaloria High School ang Sports Fest 2026β€”isang pagdiriwang na nagbigay-daan upang maipamalas ng bawat mag-aaral ang kanilang husay, tapang, disiplina, at tunay na diwa ng pagkakaisa. Sa bawat laro, bawat tagumpay, at bawat hamon, pinatunayan ng bawat koponan na ang pagiging kampeon ay nagsisimula sa puso ng isang mandirigma.

Matapos ang serye ng matitinding kompetisyon, narito ang opisyal na resulta ng Sports Fest 2026:

πŸ† CHAMPION
πŸ”₯ Math/Science Club – Red Dragons
4 Gold β€’ 2 Silver β€’ 3 Bronze

πŸ₯ˆ 1st Runner-Up
🐺 MAPEH/TLE Club – White Wolves
3 Gold β€’ 2 Silver β€’ 5 Bronze

πŸ₯‰ 2nd Runner-Up
🏹 Language Club – Green Archers
2 Gold β€’ 0 Silver β€’ 0 Bronze

πŸ… 3rd Runner-Up
βš”οΈ AP/VE Club – Graydiators
1 Gold β€’ 6 Silver β€’ 2 Bronze

Ang tagumpay ng Sports Fest 2026 ay hindi lamang nasukat sa dami ng medalya kundi sa mga aral na iniwan nitoβ€”ang kahalagahan ng pagtutulungan, paggalang sa kalaban, pagiging matatag sa gitna ng pagsubok, at pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng atleta, coaches, g**o, opisyal, at mga tagasuporta na naging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang na ito. Kayong lahat ang tunay na dahilan kung bakit naging matagumpay ang Cadaloria High School Sports Fest 2026.

Sa Cadaloria High School, bawat laban ay may dangal, bawat atleta ay bayani, at bawat tagumpay ay tagumpay ng buong paaralan.

One Team. One Passion. Championing Sports Heroes. πŸ’™πŸ’›πŸ†


# OneTeamOnePassion


!

DEWORMING DAYSama-samang Hakbang para sa Mas Malusog na Cadalorian!Ang tunay na tagumpay sa edukasyon ay nagsisimula sa ...
09/07/2026

DEWORMING DAY

Sama-samang Hakbang para sa Mas Malusog na Cadalorian!

Ang tunay na tagumpay sa edukasyon ay nagsisimula sa isang malusog na pangangatawan.

Ngayong Hulyo 9, 2026, matagumpay na isinagawa sa Cadaloria High School ang School-Based Deworming Activity, isang makabuluhang programang naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat mag-aaral upang higit silang maging handa sa pagkatuto at sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Sa pangunguna ni Ma’am Kier Concepcion, School Nurse, katuwang sina Ms. Milette Dalupang, District Nurse, at Ms. Giancris S. Benigno, LD 3 Nurse, matagumpay na naihatid ang serbisyong pangkalusugan na sumasalamin sa iisang adhikainβ€”ang bumuo ng isang komunidad na inuuna ang kalusugan bilang matibay na pundasyon ng de-kalidad na edukasyon.

Sa Cadaloria High School, ang bawat inisyatiba ay isang hakbang tungo sa isang paaralang ligtas, matatag, at handang humubog ng mga kabataang may malusog na pangangatawan, matatag na kaisipan, at maliwanag na kinabukasan.

Arya, Cadaloria! Sa bawat pangangalaga sa kalusugan, sama-sama nating binubuo ang isang henerasyong handang matuto, mamuno, at magtagumpay.






Address

Loria
Angadanan
3307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CHS Lights posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share