Joya Vlogs

Joya Vlogs Mayaman , Mahirap ay pantay pantay lang!🫰
(1)

Minsan kasi baka sa sobrang pursigido mong matupad yung pangarap mo. Nakakalimutan mo na kung paano maging mabuting tao....
29/01/2026

Minsan kasi baka sa sobrang pursigido mong matupad yung pangarap mo. Nakakalimutan mo na kung paano maging mabuting tao. ❎

Mas masarap sa pakiramdam na maabot ang pangarap ng walang nasasaktang emotion. Be mindful. ❤

'BAKIT NASA HULI ANG PAGSISISI?'Dahil kadalasan, doon lang natin napapansin ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito ...
25/01/2026

'BAKIT NASA HULI ANG PAGSISISI?'

Dahil kadalasan, doon lang natin napapansin ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito sa atin. Habang andiyan pa, kampante tayo—akala natin permanente, akala natin may bukas pa, may susunod pa. Hindi natin binibigyan ng sapat na oras, atensyon, at pagpapahalaga dahil iniisip nating hindi naman ito mawawala.

Minsan tao ang pinagsisisihan—mga salitang hindi nasabi, mga yakap na ipinagkait, mga panahong mas pinili nating ipagpaliban. Kapag nawala na sila, saka lang natin mararamdaman ang bigat ng kakulangan. Doon pumapasok ang tanong na “sana” at “kung pwede lang ibalik,” pero huli na ang lahat.

Ang pagsisisi ay paalala na pahalagahan ang meron ka ngayon. Dahil ang mga bagay na akala mong ordinaryo ngayon, maaaring siya palang magiging dahilan ng sakit bukas kapag nawala. Matutong magpasalamat, magmahal, at mag-ingat—habang may pagkakataon pa.

02/01/2026

Naki uso 😂😂
Family bonding is the best! ❤🥰
Thank you all 😍😍
Silver talaga yung nagdala 🤣🤣

22/12/2025
“Nakapag-college ka naman, bakit nagtitinda ka lang?”Well, kung magta-trabaho ako para sa iba kikita lang ako ng more or...
28/11/2025

“Nakapag-college ka naman, bakit nagtitinda ka lang?”

Well, kung magta-trabaho ako para sa iba kikita lang ako ng more or less 500 pesos sa isang araw, Sa pagtitinda ko kumkita kahit papano ng above minimum kada araw, hawak ko pa oras ko at sarili ko lang ang boss ko dito. That’s all, thank you. ❤️

WORKING MOTHERS DO NOT GET ENOUGH CREDITThey go to work all day to support their family and then come home to tackle all...
15/10/2025

WORKING MOTHERS DO NOT GET ENOUGH CREDIT
They go to work all day to support their family and then come home to tackle all of the housework while parenting their babies. Their jobs truly never end. 😩

Totoo — kulang ang pagkilala na natatanggap ng mga working mothers.
Sa umaga, sila ang empleyado, propesyonal, o negosyante;
pag-uwi, sila naman ang ilaw ng tahanan, tagapagluto, tagapangalaga, at sandalan ng pamilya.
Habang ang iba ay nagpapahinga pagkatapos ng trabaho, sila ay nagsisimula pa lang sa isa pang “shift” —
ang pagiging ina.

Hindi madaling gampanan ang dalawang tungkulin nang sabay, lalo na kapag bihira silang makakita ng tunay na pag-unawa at suporta.
Ngunit sa kabila ng pagod, patuloy pa rin silang bumabangon, hindi dahil gusto nila, kundi dahil kailangan — at higit sa lahat, dahil mahal nila ang pamilya nila.
Ang mga nanay na nagtatrabaho ay patunay na ang lakas ng babae ay hindi nasusukat sa pahinga, kundi sa kakayahang magmahal kahit pagod.

---

Sa mga working moms, huwag mong kalimutan ang sarili mo.
Hindi ka selfish kapag nagpapahinga, at hindi ka mahina kapag napagod.
Ang pahinga ay hindi luho — ito ay karapatan.
Alalahanin mo, hindi mo kailangang maging “superwoman” araw-araw.

At sa mga kasama nila sa buhay — asawa, anak, o pamilya —matutong magpasalamat, tumulong, at umintindi.
Ang simpleng “Ma, salamat,” o “Gusto mo bang ako na muna?”
ay malaking bagay para sa pusong araw-araw lumalaban.

Dahil totoo — ang trabaho ng isang ina ay walang katapusan,
kaya kahit sandali lang, tulungan nating maparamdam sa kanila na sapat na sila,
kahit hindi perpekto, dahil sila ang tahanan ng pagmamahal. ❤️

"BARYA"🪙💰Barya ng pagmamahal at malasakit 🥹🥹🥹Lately, kasi madalas namin mapag-usapan ng partner ko mga bills na parating...
07/09/2025

"BARYA"🪙💰

Barya ng pagmamahal at malasakit 🥹🥹🥹
Lately, kasi madalas namin mapag-usapan ng partner ko mga bills na parating at talagang nagwoworry kami.

Saturday ng hapon paguwi ko galing pagtitinda nakita ko ang maraming barya sa plastic. Nag-iisip na agad ako kung saan ito nanggaling.

After school ng panganay ko, (11yrs old) agad agad nyang tinanong sakin. Mommy nakita mo ba yung barya don sa ibabaw? Sabi ko knino ba yon? Bibigay ko po sayo yon. Naririnig ko po kasi madami kayong babayaran kaya binuksan ko po yung alkansya ko. 🥹😭

(My tears drop) 🥹😭 Speechless*

Salamat ate 😘❤️🥹

Hindi araw-araw paldo,dumarating talaga sa punto yung tumalgayumpaman tuloy ang NEGOSYO!👌💯✨
05/09/2025

Hindi araw-araw paldo,
dumarating talaga sa punto yung tumal
gayumpaman tuloy ang NEGOSYO!👌💯✨

Hi! I'm back! 🥰🥰Kamusta po kayo? 🙂🙂
03/09/2025

Hi! I'm back! 🥰🥰
Kamusta po kayo? 🙂🙂

Karaniwan na lang ang ganda,baka nga sa kabilang siyudado kahit sa kantomay mas maganda pa.pero piliin mo ang babaengmay...
03/09/2025

Karaniwan na lang ang ganda,
baka nga sa kabilang siyudad
o kahit sa kanto
may mas maganda pa.

pero piliin mo ang babaeng
may diskarte,
marunong magtiis
sa hamon ng buhay.

Yung marunong lumaban,
hindi basta sumusuko.

Yung hindi lang sa aklat,
galing ang karunungan
kundi sa aral ng karanasan.

ang babaeng
tutulong sa’yong lumago,
kasama mong bubuo ng
pangarap n'yo.

piliin mo ang babaeng
hindi basta babae lang,
kundi babaeng
panalo na sa laban ng buhay.

***

Ang pagiging DETERMINADO mo sa buhay ang magiging susi sa pag-abot mo sa iyong mga PANGARAP! 👌💯
18/07/2025

Ang pagiging DETERMINADO mo sa buhay ang magiging susi sa pag-abot mo sa iyong mga PANGARAP! 👌💯

Address

Villarama Street
Angat
3012

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joya Vlogs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share