30/05/2025
Si Jesus ang Alpha at Omega 😍
📖 Pahayag 1:8
“Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang kasalukuyan, nakaraan, at darating.
✍️ Ang Katotohanan na ito ay ayaw tanggapin ng mga sekta, relihiyon o mga taong ang pagkilala nila kay Jesus ay isang tao lamang.
Bagama't totoong tao si Jesus dahil nagkatawang tao nga siya ( Juan 1:14 ) ngunit hindi rin maikakaila na totoo at tunay na Dios si Jesus sa kaniyang kalikasan. ( 1 Juan 1:1 at 5:20 )
👉🏼 Ang sinabi ni Jesus na siya ang Alpha at Omega ay isang matibay na patunay na siya ay Dios na dati ng eksistido bago pa man likhain ang lahat ng bagay. At si Jesus ay hindi nagbabago sapagkat siya ang buhay na walang hanggan.
📖 Hebreo 13:8
Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya rin ngayon at magpakailanman.
😊 Magdadahilan pa sila na ang nakasulat raw sa Pahayag 1:8 ay hindi raw si Jesus kundi ang Ama raw ang tinutukoy ni Juan.
Ngunit kung tatanungin natin mismo ang Panginoong Jesus kung siya ba ang Alpha at Omega ay ito ang kaniyang sagot;
📖 Pahayag 22:12-13
12 At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!
13 Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.”
😍 Ang linaw linaw na sinabi ni Jesus na siya ang Alpha at Omega, hallelujah amen!
🥰 Kaya sa mga kababayan ko na ayaw pang kilalanin si Jesus na isang tunay na Dios ay ito ang kasagutan para sainyo.
Sumampalataya kayo sa kaniya bilang isang Dios na nagkatawang tao upang bigyan ng pagkakataong maligtas ang ating mga buhay sa pamamagitan ng kaniyang dugo na nabuhos para palayain tayo sa pagkaalipin ng kasalanan.
😊❤️ Hindi pa huli ang lahat, mahal kayo ng Panginoong Jesus kaya magsisi na at tanggapin siya bilang ating Panginoon at tagapagligtas ng ating buhay amen!
Papuri at luwalhati ay sa Dios lamang ☝️🙏