09/07/2025
"Gusto Mo ng MABAIT na Babae?
Eh MATINO ka ba?"
YES! TOTOO YON!
Lahat ng lalaki gusto ng mabait na babae.
Pero bakit parang hirap kang makakita ng ganun ngayon?
Simple lang sagot d'yan:
Ang kabaitan ng babae, hindi automatic.
Depende yan sa kung paano mo siya tratuhin.
Kapag minahal mo siya ng totoo,
mamahalin ka niya ng buo.
Kapag nire-respeto mo siya,
mas doble pa ang igagalang niya sayo.
Kapag pinakita mong seryoso ka, mas siseryosohin ka niya.
Pero kapag puro pa-cute ka lang,
Puro paasa, puro kasinungalingan,
Puro bawal pero ikaw lang pala ang malaya,
Anong klase ng kabaitan ang gusto mong ibalik niya sayo?
Kaya kapag binabawalan ka niya,
hindi yun para kontrolin ka.
Ginagawa niya yun kasi alam niya ang tama,
At gusto ka niyang dalhin sa tamang direksyon.
Tandaan mo, ang lalaki ang driver ng relasyon.
Pero ang babae โ siya ang nagbabasa ng mapa.
Kung ayaw mong sundin ang direksyon, wag mong asahan na mararating mo ang โhappy ending.โ
Kapag hindi mo siya iniintindi,
Kapag sinasaktan mo siya sa salita, kilos, o kataksilan,
Huwag mong asahan na magiging mabait pa rin siya habang binabasag mo na ang pagkatao niya.
Hindi niya ginaganti ang ginagawa mo.
Ang tawag doon: Reflection.
Yung ugali niya ngayon,
Salamin ng mga sugat mong iniwan.
So kung gusto mong bumalik yung dating mabait,
malambing, masunurin, at masayahing babae,
Tanungin mo muna sarili mo... naging matinong lalaki ka ba?
Hindi Yung kayo gumagawa, ikaw na nagluko at paulit-ulit na pagsisinungaling at pinapasa nyo sa'min Yung Gawain nyo ..sakit nun ahh๐ญ