
18/10/2024
HINDI MO KAILANGANG MAGHINAYANG SA TAONG SINAYANG KA..."
Ipaubaya mo sa iba 'yung taong hindi talaga para sa 'yo,
hindi 'yung maghahabol ka pa para bumalik siya sa piling mo. Dahil kahit anong paawa mo sa taong yan pag ayaw na nyan sayo ayaw na yan...
Huwag mong panghinayangan 'yung pang-aabuso niya sa pagmamahal mo...
Pinagmumukha ka na ngang tanga
tapos marupok ka pa rin sa kanya...
Wag masyadong mabait...
Huwag maging sobrang martyr...
Sabi nga diba lahat ng sobra nakakasama...
Hindi sayang ang pag-ibig lalo na kung 'di ka naman inibig...
Nag-assume ka lang na mahal ka kasi nga,
sobrang tanga ka...
Pero kung ginamit mo utak mo at hindi pinairal ang puso,..
sigurado akong hindi ka naloko...
Nakaligtas ka sana sa sumpa...
Pero minsan kapag nagmahal ka magiging tanga ka din talaga.
Kung iniwan ka, 'wag ka na maghabol...
Kung niloko, 'wag ka na magpaloko...
Kung 'di ka minahal, 'wag mo na mahalin...
Dapat tie lang, hindi 'yung laging lugi ka...
Huwag mo kalabanin si Tadhana...
Kung hindi siya ang inilaan niya para sa iyo,
wag mo ipilit ang sarili mo masasaktan ka lang...
Matuto kang maghintay ng tamang panahon...
Darating din ang araw na makikilala mo 'yung taong hindi ka...
Sasayangin kasi alam niya ang halaga mo
at handa siyang panindigan ka hanggang dulo...
Kapag dumating na ang taong yun magpapasalamat ka pa na iniwan ka...
Hindi lahat ng tao paasa...
May isang tao pa ring papasok sa buhay mo
na bibigyan ka ng halaga at ng pag-asang mahalin nang hindi napipilitan...
Hindi mo kailangang manlimos ng oras ,pagmamahal at atensyon...
Kaya 'wag mo panghinayangan
ang mga taong sinayang ka kasi may
mas better na darating sa buhay mo...
Hanggang di mo pinapalaya sarili mo sa taong yan hindi rin darating yung taong magmamahal sayo ng tama..
πβ