
16/09/2025
๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐๐๐ข| ๐ข๐ฃ๐๐ก๐ฌ๐ข๐ก: ๐๐๐ฏ๐ผ๐ด
Lubog ang bayang magiliwโhindi lamang sa bahang dulot ng malalakas na bagyo, hindi lamang sa mga utang na matagal nang pasan-pasan ng sambayanan, kundi sa pagkaganid ng mga buwayang nakaupo sa gintong upuan, na inukit mula sa dugo at pawis ng mamamayan. Sa tuwing bumubuhos ang ulan, hindi lamang tubig ang rumaragasa sa ating mga lansangan kundi ang paulit-ulit na pagnanakaw sa kaban ng bayanโang tunay na dahilan kung bakit hindi makaahon ang ating bansa. Ang flood control project na dapat sanaโy sandigan ng mamamayan ay nagiging alay sa iilang gahaman, habang ang taumbayan ay paulit-ulit na nilulunod sa kahirapan. Kayaโt minsan akoโy napapaisip, tila totoo ang kanta ni Gloc-9 na Upuan โKayo po na nakaupo, subukan niyo namang tumayo at baka matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko.โ Habang sila ay nagpapakasasa sa perang galing sa pawis ng taumbayan, tayo namang mga walang kapangyarihan ay tinatanggap ang katotohanang tila isinumpa na ang kahirapan at pagkalubog na nakaguhit na sa ating mga palad.
Kamakailan lamang, ibinunyag ng Pangulo sa kaniyang SONA ang bilyon-bilyong pondong inilaan para sa mga proyektong pananggalang sa baha. Ngunit bakit, sa bawat buhos ng ulan, lansangan pa rin ang nagiging ilog, mga tahanan ang nilalamon ng tubig, at kabuhayan ang tinatangay ng agos? Sapagkat ang perang dapat sanaโy dumadaloy sa kanal at d**e ay dumadaloy sa bulsa ng mga opisyal na traydor ng bayan. Ang dapat na proteksyon ay nagiging negosyo ng mga swapang. Hindi nakapagtataka kung bakit mas mabilis dumami ang kanilang ari-arian kaysa ang mga proyektong ipinangako. Ang dapat na pangakong kaligtasan ay nauuwi sa pangakong napapako, at ang mamamayan ay muling iniiwan upang malunod sa sarili nilang hirap at kawalang ginhawaan
Kaya kahit magbanat ng buto ang mamamayan mula umaga hanggang gabi, kahit mapunit ang likod sa pagkayod, nananatili pa rin tayong nakalubog. Hindi baha ang nagpapalubog sa atin, kundi ang sistemang pinamumugaran ng mga mandurugas. At habang patuloy ang kanilang kalabisan, patuloy rin tayong lulunurin sa kawalan ng pag-asa sa sarili nating bayan. Hindi malalakas na ulan ang ating tunay na kalaban kundi ang kulturang nilikha ng katiwalian, ang pamahalaang walang ibang ginagawa kundi patungan ng patungan ang problema ng mamamayan habang silaโy naglulublob sa kasaganahang pribilehiyo na hindi karapat-dapat sakanila.
Ngunit sapat na ang katahimikan. Hindi maaaring habambuhay tayong maging alipin ng bulok na sistema. Ang bansang ito ay hindi dapat manatiling bihag ng mga buwaya. Dapat singilin ang mga traydor ng bayanโiwaksi ang mga gahaman, ipanagot ang mga tiwali, at tanggalin sa kapangyarihan ang mga walang habas sumisipsip sa kaban ng bayan. Hindi na dapat ipagsawalang-bahala ang katiwalian. Ang tunay na trahedya ay hindi ang pagbaha, kundi ang katahimikan ng mga taong may kakayahang magsalita ngunit piniling manahimik.
Lubog ang Pilipinas dahil hinayaan nating lamunin ng kadayukan ang gobyerno. Ngunit ang bayang magigising ay bayang hindi kailanman mailulubog. Ang mamamayang bumabangon mula sa kawalan ay mamamayang hindi na muling magpapaloko. Kayaโt dapat nating tandaan: ang pamahalaan ay hindi dapat tirahan ng mga buwaya, kundi kanlungan ng taumbayan. Ang bansa ay hindi dapat pag-aari ng iilan, kundi ng bawat Pilipinong naghihirap, lumalaban, at naninindigan.
Panahon na upang tumindig. Panahon na upang ipakita na ang tunay na lakas ng bansa ay hindi nasusukat sa kapal ng bulsa ng iilan, kundi sa tapang ng sambayanang handang lumaban kahit kanino man, saanman, at kailanman. Sapagkat sa huli, ang bayan na handang magsalita ay bayan na handang maningil. Ang bayan na hindi natatakot ay bayan na kayang magpaahon sa sarili nitong pagkakalugmokโat ilubog sa sarili nilang kasalanan ang mga buwayang matagal nang humihigop sa dugo't pawis ng sambayanan.
Sulat ni: Ared Jun Tamayo
Dibuho ni: John Aikee Vitug