14/04/2024
Ang hirap gumawa ng Tula
Hindi ko alam
Kung paano magsisimula
Pero pipilitin kong gumawa.
Dahil nang makita ka
Puso ko'y tuwang-tuwa
Kabog ng dibdib ko'y bumilis.
Mata mo na kasingkinang ng tala
Sa isip ko'y hindi maalis.
Hinahanap-hanap ang ngiti mong matamis.
Alam kong ako'y masyadong mabilis
Pero ang puso ko'y hindi mapigilan.
Hindi mapigilan na ikaw ay pagmasdan.
Pagmasdan ang iyong mga mata na parang bituin sa kalangitan.
Bituin na nais ng mga kamay na mahawakan at malapitan.
Sapagkat ang iyong ugali ay naiiba sa kanila kung ikukumpara.
Sa Noli Me Tangere ni Rizal ay para kang si Maria Clara
At sa buhay mo handa akong maging Crisostomo Ibarra.
Subalit ang pinto ng iyong puso ay nakasara
Nakasara kaya ito'y aking kinakatok
Ako'y kakatok hanggang sa makapasok
Hanggang sa ang puso mo ay magising sa pagkakatulog.