
12/09/2025
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐๐ | ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ญ๐ผ๐ป๐ฒ ๐๐๐ผ, ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ญ๐ผ๐ป๐ฒ
Lugar ng mga batang nangangarap, ng mga gurong umaalalay. Isang umagang dapat puno ng ingay at halakhakโhindi ng sirena, hindi ng iyakan, at lalong hindi ng dugo sa semento.
Ngunit kahapon ng umaga, may malakas na kalabog na narinig. Itoโy isang seรฑior citizen na pala. Isang mahal sa buhay ng kung sino. Sa mismong harap ng paaralan, habang tumatawid, sinagasaan ng motor na biglang sumingit, nag-โovertakeโ.
At sa isang iglap, naglaho ang isang buhay.
Malapit sa mga guhit ng tawiran, mga linyang dapat nagsusumigaw ng โLigtas ka rito,โ ngunit tila wala nang saysay sa mga gulong na pilit nauuna kahit may buhay na nasa daan.
Dito, kahit may tawiran, para kang nakikipagkarera sa mga sasakyang ni hindi man lang bumabagal kahit may tumatawid. Nakakabingi ang bilis. Nakakasilaw ang kawalang-pakialam. At nakakabasag ng puso ang katahimikan matapos ang lahat.
Kumusta na rin kaya ang drayber? Ang aksidente itoโy hindi lamang sugat sa balat, kundi bigat na dadalhin ng konsensya gabi-gabi. Ngunit higit sa lahat, ang bigat na iyon ay ngayoโy pasan ng pamilyang naiwan, ng umagang biglang nagdilim.
Matagal nang isinisigaw ng mga karatula.
Matagal nang nakapinta sa mga linya ng kalsada.
Matagal nang isinusumamo ng mga magulang:
โMag-iingat ka.โ โDrive Safely.โ
Ngunit, bakit tila kailangang may masawi muna
bago tayo makinig?
Bakit kailangan may buhay munang mawala, bago tayo matutong bumagal sa kalsada?
๐๏ธ: Eunice Raia Dela Cruz & Irish Trisha Gomez
๐จ: Arrel Zarate