09/11/2025
๐๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ฒ: ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ
Habang tayo'y nananatili sa silid ng ating mga tahanan tuwing may bagyo, May tahimik na bayaning walang sawang nakikipaglaban sa unos. Sa bawat hampas ng hangin at bagsak ng ulan, ito ang nagsisilbing kalasag ng mahigit 64 milyong Pilipino laban sa sakuna. Ngunit sa kabila ng kabayanihan nito, ang bundok na matagal nang nagtatanggol sa atin, ngayon ay unti-unting nanghihina dahil sa kapabayaan ng mga tao.
Ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas, na umaabot ng humigit-kumulang ng 540 kilometro mula cagayan hanggang Quezon. Ito'y nakabalot sa silangang bahagi ng Luzon at binubuo ng halos 1.4 milyong ektarya ng kagubatan. Tinaguriang "Backbone of Luzon" ito ay tahanan ng mahigit 290 species ng hayop at 600 species ng halaman, kabilang ang pambansang ibon na Philippine eagle. Isa ito sa yaman ng bansa na kailangang pahalagahan at pagyamanin ngunit ang nakalulungkot, bakit tila unti-unti itong nababawasan?
Batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), tinatayang 47,000 ektarya ng kagubatan sa Sierra Madre ang nawawala taon-taon dahil sa ilegal na pagpuputol ng puno, pagmimina at pagpapalit gamit ng ating lupa. Sa patuloy na pagkawala ng mga puno, humihina ang kakayahan ng bundok na sumipsip ng tubig ulan at magbigay proteksyan laban sa kalamidad. Kung hindi ito maaagapan, maaring mawala ang natitirang 40% ng kagubatan sa susunod pang dekada.
Taon-taon ang Pilipinas ay nasasalanta ng malalakas na bagyo tuwing tag-ulan. Kapag tuluyang nawala ang Sierra Madre, mawawala rin ang natural na harang ng mga bagyo. Gaya ng noong taong 2013, nang manalasa ang Bagyong Yolanda na may hanging 315 km/h, nakikita natin kung gaano kahalaga ang mga bundok na humaharang sa ganitong kalamidad. Dahil dito, libu-libong buhay at bilyong pisong halaga ng ari-arian ang nailigtas. Kung wala ang Sierra Madre, maaaring mas marami pang buhay at kabuhayan ang nawala sa Luzon at mas matindi ang maaaring maging epekto ng bawat bagyo na dumarating sa ating bansa.
Higit pa sa panangga, ang Sierra madre ay pinagmumulan ng 60% ng tubig-tabang sa Luzon. May umaasa sa tubig na nanggagaling sa kagubatan. Kapag tuluyang nawala ito bababa ang antas ng tubig dam (pag pigil sa tubig), Marami ang maaring maapektuhan kabilang na ang Metro Manila at iba pang probinsya, at posibleng magdulot ng water shortage o kakulangan sa tubig sa loob ng tatlo hangang limang taon. Sa kabila ng lahat, hindi nag-iisa ang Sierra Madre sa laban. Kasama nito ang Cordillera Mountains sa hilaga at Mount Banahaw sa Timogโ kapwa tagapangalaga ng kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan. Ngunit habang lumalakas ang urbanisasyon at pagwasak sa kalikasan, tatlong haligi ng Luzon ang sabay-sabay na humihina. At kung silaโy bumagsak, buong bansa ang maaapektuhan.
Tinatayang 1.5 milyong Pilipino ang direktang umaasa sa Sierra Madre para sa kabuhayan. Kabilang dito ang mga katutubong komunidad, magsasaka, at mangingisda na umaasa sa yaman ng kagubatan. Kapag nawasak ang bundok, kasabay nitong mawawala ang kabuhayan ng mga tao. Ang mga ilog na nagbibigay ng pagkain at tubig ay unti-unting matutuyo, at ang mga tirahan ng hayop ay mawawala. Hindi lamang kalikasan ang ipinagtatanggol ng Sierra Madre โ ipinaglalaban din nito ang kultura at kabuhayan ng mga katutubo. Dito naninirahan ang mga Agta at iba pang pangkat-etniko na umaasa sa kagubatan para sa pagkain, gamot, at tirahan. Kapag nawala ang bundok, mawawala rin ang kanilang tahanan at pagkakakilanlan.
Sa pagdaan ng mga araw, ang Sierra Madre na kilala bilang natural na panangga ng luzon laban sa bagyo ay nag nagkakaroon ng matinding banta. Sa pag lipas ng panahon patuloy na lumalala ang pagkalbo ng kabundukan ng Sierra madre dahil sa kapabayaan ng tao at walang habas na pagpapatayo ng mga negosyo at imprastraktura โ Hindi lamang punong kahoy ang ninanakaw kundi pati rin ang mga libo-libong komunidad na nakataya dahil ang bundok na dapat sumipsip ng ulan at nag hahadlang sa bagyo ay nagiging butas na panangga. Habang dumadami ang gusali, kalsada at minahan, unti-unti namang nawawala ang gubat na dapat ay nag tatanggol sa atin.
Sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling may pag-asa. Maraming kabataan at grupo ang nagsasagawa ng mga Tree Planting Activities at kampanya gaya ng . Ayon sa mga eksperto, kung makakapagtanim tayo ng isang milyong puno bawat taon, maibabalik natin ang dating sigla ng kagubatan sa loob ng 20 taon. Paano kung masira ang isa sa tagapagtanggol natin nang dahil lang rin sa atin? Tayo ang sumira kaya nararapat lamang na tayo rin ang muling gagawa at tutulong sa ating Sierra Madre. Kayaโt hinihikayat tayo na sumali sa mga aktibong tungkol sa pagtanim ng mga puno. Maliit man ang bawat punla, ito ay simula ng pagbabago.
Hindi pa huli ang lahat, mayroong responsibilidad ang pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na batas laban sa ilegal na pagmimina at pagputol ng puno. Dapat pagtuunan ng pansin ang mga Deforestation Programs at pagbigay ng kabuhayan sa naninirihan sa paligid ng bundok. Kung magtutulungan ang gobyerno, paaralan, at mamamayan, kaya nating maibalik ang sigla ng Sierra madre. Ang Sierra madre ay hindi lamang bundok โ ito ay buhay, tahanan, at tagapagtanggol ng bawat Pilipino. Ngunit hindi lang ito laban ng kalikasan โ laban din ito ng bawat Pilipino. Hindi tayo mabubuhay kung mawawala ang bundok na matagal ng lumalaban para sa atin.
Ngayong na mayroong paparating na Bagyong Uwan, Ngayon ang tamang panahon para kumilos. Pasiglahin at muling ibalik ang lakas ng ating Sierra Madre. Hindi natin kailangang maging bayani para tumulong โ sapat na ang malasakit. Ang Sierra Madre ang bundok na laging lumalaban para sa atin; oras na para tayo naman ang lumaban para sa kanya.
Sources :
Department of Environtment and Natural Resources (DENR). (September 26 2025). [Facebook post]
https://www.facebook.com/share/1GmpWAj4Tk/
Daily Tribune (November 6, 2025). [Facebook post]
https://www.facebook.com/share/p/14QP9Csa9Qs/
UNTV News and Rescue. (January 5, 2025). [Video] YouTube
https://youtu.be/U2lQtGsvblg?si=zmVxt57xpe8zyq4q
GMA Public Affairs. (August 5, 2025). [Video] YouTube
https://youtu.be/GYI23igiFcM?si=oOsV8IDGwCmgmkLY
โ๏ธNicca Catap
๐ป Jays Camposano