Cook Sinero

Cook Sinero Follow me! ♥️
meta: Cook SiNERo
youtube: Cook SiNERo
instagram: fromthisgeeforward

02/04/2025
16/03/2025

Book na kayo!!! Avail of discounts!!! message the page 💜 https://www.facebook.com/share/1FCgQ4aPy1/

Welcome to House Of MG!
A 2BR condo unit styled accordingly for your perfect retreat while enjoying local activities, places and foods.
Contact us to check availability and promos!

22/04/2024

Day 113 of 366
Happy monday to all!!! ❤️❤️❤️ keep safe and hydrated.

💙♥️

client meeting ☕ open minded ka ba?  ❤️
20/04/2024

client meeting ☕ open minded ka ba?
❤️

19/04/2024

warning: Looong post.
disclaimer: to inspire not to brag.
*********'*******************

Disiplina.

maiksing salita pero napaka big*t na responsibilidad at balikatin. Share ko lang ang disiplina sa health journey ko as mabisyong tao nuon.

Mula 17 ako gang 37? 20 years kong pinabayaan ang sarili ko sa mga bisyo, sigarilyo, alak, sobrang pagkain ng kung anu ano, laging puyat, sa dating payat palobo ako ng palobo, dati kawayan lang ako, kung tawagin ako ng daddy ko kawayang tsina.

umabot ako sa 117 kilos na sobrang big*t ko na laging hingal, mabilis mauhaw laging gutom. Dating Large ang mga damit naging XL umabot sa XXL umabot sa ###L. Mas madalas nasa inuman hindi titigil ng inom g*t di ngongo, hihipak ng lagpas isang kahang sigarilyo, hahaba ang listahan ng sabit, wasted, uuwi ng umaga na, wala ng pera, pag gising masakit ang ulo, mapapa away sa asawa, balisa, mukang may sablay na nagawa kagabe na di maalala, gutom, mabaho, mainit ang ulo. Makitid ang utak mag isip.

Akala ko hindi ko na mababago ang sarili ko, napasok ako sa depression. Sobrang lungkot yung akala mo hopeless na lahat ng bagay.

Pero isang araw nagising ako na sinabi ko sa sarili ko, SeLp! ready ko nang iwanan ang lahat ng nagpapahirap sakin. Kaya ko nang pasukin ang salitang DISIPLINA. Ipinasok ang sarili sa gym na mistulang nag silbing rehab ko sa sarili ko. Naka salamuha ng mga bagong tao, bagong kalakaran, bagong pakikisama, bagong sistema. Sinimulan ko ng tanggalin ang pag iinom ng alak at sigarilyo, naiwan ang v**e nag iinusok pa din. Isang araw itinabi ko na din yan, totally wala na.

Sa taas ako kumapit, lahat ng bagay sa Diyos Ama ko inilapit, araw araw kausap ko sya, itinaas ko lahat sa kanya. Inihingi ng tawad ang mga araw na tinalikuran ko sya at ipinag pasalamat lahat lahat ng mga blessings nya samin. Na napaka dami naman mga bagay na pinag darasal ko lang nuon, na meron na pala ako ngayon. Sa totoo lang, kung wala ka mapag sabihan ng problema mo, sa Diyos Ama mo ilapit, bundok nga naiuusog nya eh yan pa kayang problema mo.

Pinupuntahan pa din ang mga yaya ng mga kaibigan, pero kamay na bakal na ang pamiit na hindi na iinom at yoyosi. Sasama pa din sa mga tunay na kaibigan, kakampay pero tubig na ang laman. Ang importante kasama pa din sa kwentuhan yung mga taong gusto pa din ako kasama kahit ayoko na mag inom ng alak at humipak ng yosi.

Nag lagay sa sarili ng goal na kailangang maabot. Walang mabilisan kasi gagawin ng life style. Kumakausap ng mga taong nauna na sa larangan ng pag papaka healthy, ginawa silang inspirasyon na kaya naman pala! kaya nila! malamang, kaya ko din! binago ko na ang life style ko.

at napaka saya! napaka peaceful! napaka gaan! nakikita ko na lagi ang BIG picture, naiintindihan ko na ang mga bagay na dati hindi ko naiintindihan.

Napaka dami ng nabago. Pero ako pa din to, ang tunay mong kaibigan kung tunay ka sakin. Ang tunay mong kamag anak, kung tunay ka sakin.

Masisiraan mo ako sa mga tao, pero ipag dadasal pa din kita na sana manalo ka sa lahat ng mga laban mo sa buhay. Besides, yung mga peke lang naman ang maniniwala sa kasiraan. Di mo mapapaniwala ang mga tunay na taong tunay na nakaka kilala sa akin.

I avoid chaos.

Madadapa ka. Pero ikaw din ang mag babangon sa sarili mo. Isa lang ang buhay natin. Yung iba nga, nawala na sa mundo kahit hindi pa nila gusto. Isa lang ang kapupuntahan natin, at ikaw! sarili mo ang masusunod sa buhay na meron ka.

isa lang yan! isang buhay lang. walang rewind sa totoong buhay.

pahalagahan mo.

Cook Sinero . 💪💪 Peace Out!!!

12/04/2024

Let's call it a night. ❤️ 🌜🌒🌙
Good night Friday!

Day 103 of 366     💙♥️
12/04/2024

Day 103 of 366 💙♥️

Address

Angono
1930

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cook Sinero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Cook Sinero:

Share