26/02/2025
Para po sa SA kaalaman Ng lahat.
Liwanagin natin ang tungkol sa Barangay Budget for Persons with Disabilities. Maraming samahan ng may kapansanan sa barangay level ang nagrereklamo tungkol sa budget na hindi raw nila nakukuha.
Ang budget ng barangay para sa Persons with disabilities ay para sa lahat, may organisasyon man o wala, kaya huwag isipin ng mga organisasyon ng barangay na sila lang ang binabudgetan. Halimbawa, ang mga may kapansanan na lumalapit sa barangay para sa mga tulong medical, pagkain, paghatid sa ospital, training at iba pang indibidwal na kailangan.
Ang budget ay hindi ibinibigay sa organisasyon bagkus, dapat magbigay ng proposal ang samahan kung anong proyekto at mga activities ang gusto nilang isagawa sa loob ng isang taon at iyan ay isasama sa kabuuang budget ng Brgy for persons with disabilities. Hindi maaring magbigay ng pera ang barangay sa isang organisasyon na hindi rehistrado o hindi kinikilala ng Sangguniang Barangay dahil ay labag sa batas. Kaya pag may activity gamit ang budget ng barangay, sila mismo ang bibili ng mga kailangan at magrereport ng gastusin sa Bgy Treasurer.
Wala basehan ang 1% na budget para sa Sektor ng May Kapansanan at Senior Citizen na dapat nila itong pag hatian, ang sinasabi ng batas ay gumawa ng makabulohang mga Plano, Programa at Aktibidadis (PPAs) para ito ay mapondohan ng Barangay, cguradohin lamang na ang budget na hinihingi ay naayon at kaya ng budget ng inyung Barangay base sa kanilang IRA at walang sinasabi kung magkano ang interest na puede ibigay. Huwag maniwala sa mga sinasabi ng inyung Barangay opisyal na attributable daw ang programa at kasama na ang may kapansanan sa kabuohang programa ng barangay, mali po yun dahil may pagkakaiba-iba ang mga Taong may Kapansanan, ito ay nangangahulugang sa loob ng populasyon ng mga taong may kapansanan, mayroong malawak na saklaw ng mga karanasan, pangangailangan, at katangian, kabilang ang iba't ibang uri ng kapansanan (pisikal, pandama, kognitibo, kalusugan ng isip), iba't ibang antas ng kalubhaan, personal na kasaysayan, kultural na pinagmulan, at mga pagsasanib sa iba pang mga identidad tulad ng lahi, kasarian, at katayuang sosyo-ekonomiko, na nagiging kakaiba ang karanasan ng bawat indibidwal; sa esensya, binibigyang-diin nito na hindi lahat ng taong may kapansanan ay pareho at dapat tratuhin bilang magkakaibang indibidwal na may natatanging pangangailangan at pananaw. Kaya para tumutugon ang programa sa Sektor ng may kapansanan ay bigyan ng nababagay ayon sa kanilang pangangailangan.
Partner ang Pamahalaang Barangay at ang Barangay Association of Persons with Disabilities at hindi kayo under ng barangay at pwedeng diktahan kung ano mga programa at kung kailan kayo bubuwagin. Ang mga leader na nahalal ay dapat nag-aaral at pinalalago ang kanilang kaalaman na sila ay iniluklok upang magsilbi at hindi isulong ang sariling kapakanan at lalong ilugmok ang may kapansanan sa kahirapan.
HighlightsEveryone
Cc: Credit to the owner