29/10/2025
PANGALAWANG HAKBANG
Kanina, isinagawa ang General Examination at Practicum ng ating mga bagong kasapi, Batch 2 ng mga kabataang lalaki na nagnanais maging bahagi ng Sakristang Clementino. Isang mahalagang yugto para sa mga kabataang patuloy na hinuhubog sa diwa ng pananampalataya at tapat na paglilingkod.
Sa pagsusulit na ito, sinukat hindi lamang ang kaalaman tungkol sa Liturgical Time, Setting, Colors, at mga Panalangin, kundi pati ang dedikasyon at disiplina ng bawat sakristan sa kanilang bokasyon bilang tagapaglingkod ng Dambana.
Higit pa sa simpleng pagsusulit, ito ay naging paalala na ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang sa gawa, kundi sa pusong handang mag-alay para sa Diyos at sa sambayanan.