03/08/2025
Benepisyo ng Paragis: Saan Gamot ang Paragis?
Ang artikulong ito ay tatalakay sa mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa halamang gamot na paragis.
Parami nang parami ang mga taong naniniwala sa kakayahan ng kalikasan na magpagaling ng iba’t ibang uri ng mga karamdaman sa pamamagitan ng alternatibong pamamaraan. Dahil diyan, gusto ka naming ipakilala sa isang uri ng damo, isang halamang gamot na dati ay hindi gaanong pansin ng mga tao, subalit dahil sa pambihira nitong mga kakayahang magpagaling, ito ngayon ay trending na sa mga balita sa telebisyon at sa social media.
Ang damong ito ay isang pangkaraniwang halaman na tumutubo halos kahit saan dito sa atin sa Pilipinas, kaya kadalasan ay binabaliwala lamang natin. Pero ang hindi natin alam, ito pala ay may taglay na sangkap na nakapagpapagaling ng maraming uri ng mga karamdaman. Ito ay ang Paragis o Goose grass!
Ang halamang gamot na paragis ay may scientific name na Eleusine indica. Ito ay matatagpuan halos saan man dito sa ating bansa, sa tabi ng mga kalsada, sa mga bakanteng lote at mga sa tabing ilog. Maramingb mga pag-aarala ng nagsasabing ang paragis ay may kakayahang gamutin o iwasan ang ilang partikular na mga sakit.Mga lugar kung saan tumutubo ang paragis
Ang paragis ay isang katutubong halaman sa mga bansa sa Africa, Asya, Europa, at Australia. Hindi pa matiyak ng mga dalubhasa kung ang halamang ito ay nabubuhay na sa Hilagang Amerika subalit ang tiyak, ang halamang gamot na paragis ay nabubuhay na sa kalakhang bahagi ng Estados Unidos at sa mga kalapit nitong mga bansa.
Sa bansang Africa, ang paragis ay ginagamit bilang natural na sangkap sa paghgamot ng iba’t ibang uri ng mga karamdaman. Ang halamang ito ay napatunayang nagtataglay ng isang uri ng protina at iba pang pambihirang mga sangkap tulad ng silicon monoxide. Ito ay sinasabi ring may taglay na anti-inflamatory. Antidiabetic, antioxidant, pampaliit ng tumor at natural na pampaihi. Ang mga tangkay, ugat at dahon ay ginagamit na halamang gamot sa pamamagitan ng paglaga nito
Mga Pakinabang ng Paragis bilang halamang gamot
Kanser – Ang anti oxidant na nasa halamang gamot na paragis ay humahadlang sa paglaki at pagparami ng mga cancer cells sa katawan ng tao.
Cyst sa obaryo at myoma – Dahil sa ang paragis ay humahadlang sa paglaki ng mga bukol sa katawan tulad ng cyst o tumor, ang ovarian cyst at mayoma ay sinsasabing nagagamot ng pag inom ng tsaa na gawa sa paragis.
Sakit sa bato – Ang mga problema sa kidney ay sinasabing nalulunasan ng pag inom ng tsaang gawa sa paragis. Ito daw kasi ay may kakayahang paramihin ang tubig sa katawan ng tao kaya’t napapadalas ang pag-ihi na siyang nag aalis ng sobrang asin sa katawan. Ang paragis ay kilalang natural na diuretic.
Arthritis – Dahil sa ang paragis ay may anti-inflamatory properties, ang ininit na dahon ng halamang gamot na ito na sinamahan ng kinayod na niyog ay epektibong lunas sa pamamaga ng mga kasukasuan kapag ito ay itinapal sa apaektadong bahagi ng katawan.
Diabetes – Sinasabi ng mga dalubhasa na ang paragis ay nagtataglay din ng sangkap na panlaban sa diabetes at may kakayahang gawing normal ang inyong blood sugar level.
Pagdurugo ng sugat – May sangkap din ang paragis na nakapagpapahinto ng pagdurugo. Magdikdik ng dahon ng paragis at ilagay sa sugat para tumigil ang pagdurugo ng sugat.
Iyan ay iilan lamang sa mga sakit na sinasabing kayang pagalingin ng halamang gamot na paragis. Ang ibang pang sakit na sinbasabing nalulunasan nito ay ang hika, pangingisay malaria, pagkabaog sa mga babae, sakit sa pantog, sakit sa atay at paninilaw. Dahil sa ito ay isang natural na diuretic, ito ay lunas sa mga sakit na dala ng kahinaan o problema sa pag ihi tulad ng bato sa bato at apdo, highblood, at mga sakit sa puso, baga at atay.