23/01/2026
βππΌππΌπ½πππΌπ πΌππ ππΌ ππΌππΌπ ππΌ ππππ πππππππΌππ πππππππΌβ¦β
I saw a post that said:
βThe goal? Hindi magmukhang kawawa. Given na ang pagod at sakripisyo bilang nanayβbakit kailangan pang i-broadcast? Be that woman that people look at and wonderβ¦ how did she do it all? Inspire people by your wins, not your wounds.β
At ang una kong naisip,
Ay? Given na pala βyun?
Eh bakit pa tayo nahuhusgahan?
We canβt deny the fact na may mga taong mapanghusga na kailangan, ang hirap na nararanasan mo ay obvious para paniwalaan ka nila.
Kaya ako, minsan natatakot nang magmukhang maayos sa mata ng mga tao.
Kasi kapag nakita ka nilang mukhang okay, malinis, maayos, may oras mag-ayos ng sarili, biglang may kasunod na husga.
Na parang puro ka lang paganda.
Na parang hindi ka napapagod.
Na parang napakadali at sarap ng buhay mo bilang isang ina at asawa.
Pag maganda ka at naka-porma, tapos may nakita silang kahit isang bagay na hindi perfect sa kilos mo,
magulong bahay, kalat, o kahit mga bagay na minsan hindi mo kontrolado
ibabato sayo yun na parang buong buhay mo wala ka nang ginawang tama.
Isang sulyap lang, isang eksena lang, tapos buo na agad ang kwento nila tungkol sayo.
Na para bang yung asawa mo lang ang nahihirapan kasi siya ang nagtatrabaho, at ikaw? Kahit anong gawin mo, never enough pa rin.
Dahil sa isip nila, ang βtunayβ na nanay ay laging pagod, laging sabog, laging ubos.
Ito yung tahimik na sakit ng pagiging nanay.
Hindi nakikita ang mental load.
Hindi binibilang ang puyat.
Hindi pinapansin ang pag-aalaga, pag-intindi, pag-aalala, at paulit-ulit na pagsasakripisyo araw-araw.
Hindi dahil maayos ka ay wala kang ginagawa.
Hindi dahil inaalagaan mo ang sarili mo ay pabaya ka na.
At hindi dahil nasa bahay ka lang ay wala kang silbi.
Ang pagiging ina ay hindi nasusukat sa itsura ng pagod.
At ang pag-aalaga sa sarili ay hindi kabawasan sa pagiging mabuting nanay.
For me, itβs okay to share your struggles and to not look perfect all the time. Hindi naman natin need i-mask na malakas tayo sa mga oras na napanghihinaan tayo at pilit itago na nahihirapan din tayo just to show people na, βBoom! Instant! Successful ang buhay ko!β Wag natin pagmukhaing magic. Mas inspiring pa nga minsan na alam ng iba ang struggles mo but you kept going and succeeded and they witnessed it all.
I hope people who loves to judge know na may karapatan tayong lahat maging maayos.
May karapatan tayong alagaan ang sarili.
I disagree sa part ng post na βto na parang dini-discourage ang mga nanay na mag-share ng kanilang pinagdadaanan o nararamdaman.
For me, may karapatan tayong mag-rant.
Hindi siya basta reklamo, sometimes healthy siya.
Mas okay na mailabas ang sama ng loob kesa ipunin hanggang mapuno at maubos ka.
Nakakatulong din βto para gumaan ang pakiramdam at makayanan pa yung mga susunod na araw bilang isang ina at asawa.
And sometimes, okay lang mag-share ng mga problema natin, but make sure to not dwell on it.
Hindi ka mahina. Tao ka lang, humihinga, may emotion, at araw-araw lumalaban.
Struggles are battles won! π Be proud!