26/09/2025
                                            Kung nabasa niyo ang Istorya 1, maiintindihan niyo na ito ay continuation. 😂
Ang interesting na parte dito ay natanggap ko ang unang sahod ko. At take note, hindi ko pa alam ang PayPal noon! Kaya naging “eng eng” na naman ang lola niyo, 😁. Pero dahil mahilig akong magtanong… at talagang gusto ko malaman hindi ako nahihiyang mag-tanong sa mga taong mas nauna sa industriyang ito, kaya nalaman ko rin ang kalakaran dito.
Oo nga pala, hindi ko ito isinulat para ipagyabang kung paano at gaano ako kagaling, ha! Ito ay istorya na nais kong ibahagi para sa mga aspiring VA—upang makita kung tama ba ang landas na napili nila. Ang lahat ng ito ay ayon sa sarili kong karanasan.
Oo, inaamin ko na napakahirap noong nagsisimula pa lang ako. Ni hindi ko nga alam gumamit ng computer—pati ang simpleng keyboard shortcuts tulad ng copy-paste, hindi ko alam! Napakahirap. Pero alam niyo kung ano ang nag-motivate sa akin? Walang iba kundi ang sarili ko.
Tinuklas ko ang kakayahan ko, ang limitasyon ko, at mas lalo kong nakilala ang sarili ko. Inisip ko kung ano pa ang magagawa ko para magkaroon ng “new version” ng sarili kong pagkatao.
Noong hindi pa uso ang salitang “Virtual Assistant” sa merkado, hindi pa alam ng karamihan na maaari palang magkaroon ng trabaho ang isang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo na babayaran ng isang international client. Noon, hindi ganoon karami ang kompetisyon, kaya ikaw mismo ang pipili kung sino ang magiging client mo.
Hanggang dumating ang pandemya ng COVID-19. Dito nagsimula ang work-from-home setup at dito rin nalaman ng karamihan na malaki ang potensyal ng online work. Maraming Pilipino ang nakahanap ng paraan para makapasok sa mundo ng remote jobs. May ilan na mas pinili ang mag-outsource ng mga project sa kapwa VA, may mga nagtayo ng sariling agency para sa mga VA, at may mga nagsimula ring gumawa ng sunod-sunod na courses para ibenta sa mga aspiring VA.
Sa kasamaang-palad, kasabay din nito ang pagdami ng mga walang pusong scammers—mga nang-aalok ng proyektong babayaran daw ng libo-libong dolyar, pero pawang panloloko lamang. So sad, ‘di ba?😔
Ngayon, paano at ano-anong hakbang ang ginawa ko para ipagpatuloy ang ganitong karera—na kung tutuusin ay hindi naman stable at walang benepisyo sa aking pagtanda?
Abangan sa susunod na linggo, to be continued…🥳                                        
Call now to connect with business.
 
                                                                                                     
                                         
   
   
   
   
     
   
   
  