18/08/2026
Naalala ko yung mga araw na talagang walang-wala kami. Yung araw-araw iniisip mo kung saan kukuha ng pang-ulam, pambayad, at kung paano maitatawid yung araw.
At noong mga panahong yun, isa sa naging tulong namin sa pang-araw-araw yung KALAPATI.
Baka maliit na bagay lang para sa iba, pero para sa amin noon, malaking bagay na yun. Malaking tulong para may maitawid kami sa araw-araw.
Doon ko rin natutunan na kapag talagang walang-wala ka, kahit yung maliit na bagay, sobrang laki na ng halaga.
Nakakatuwang balikan ngayon yung mga panahong yun. Mahirap man noon, pero kapag naalala ko kung saan kami nagsimula at kung nasaan na kami ngayon, masasabi ko talagang ang layo na rin pala ng narating namin. 🙏
Malayo pa, pero malayo ngani. 😂
Stay hungry, young bloods. ❤️🔥