17/04/2023
CTTO
"Kung wala ako, hindi ka mabubuhay."
"Binuhay kita noong bata ka, kaya dapat tumanaw ka ng utang na loob!"
Tigilan natin ang toxic na mindset na ito. Bilang anak, napakasakit marinig ang mga ito galing sa iyong magulang, dahil pakiramdam mo pinag-aral at pinalaki ka nila para lamang magbigay ng pera.
Kaya marami ngayon ang napipilitang magkanda-kuba sa pagtatrabaho, para lamang mapunan ang mataas na expectations ng magulang nila.
Bilang magulang, responsibilidad mo na palakihin at buhayin ang iyong anak, may kapalit man o wala.
Ngunit wag mo silang sumbatan. Wag mo rin silang hingian ng kapalit sa pagpapalaki mo sa kanila, dahil obligasyon mo iyon bilang magulang.
Lalo na pag nagkaroon sila ng sariling pamilya, tanggapin mo na hindi na ikaw ang priority nila, kundi ang asawa at mga anak nila.
Sa halip, umalalay ka at magbigay ng payo upang mapaayos ang buhay nilang mag-asawa.
Ang isang mabuting anak, kahit hindi mo pilitin, tutulong at tutulong iyan sa kanilang magulang. Lalo na kung maganda ang pagpapalaki mo sa kanila, siguradong hindi ka nila papabayaan.
Don't force your dreams in your children, because they have their own too. Wag gawing investment ang iyong anak.